Edu, Kris and Willie, leaving ABS-CBN soon?!

ADVERTISING

Edu, Kris and Willie, leaving ABS-CBN soon?!

OLA CHIKA! FRESH na fresh pa talaga ang chikang ito, at hindi lang ito basta chika, dahil ang nagbalita nito mismo, galing pa sa bakuran ng ABS-CBN, at reliable source ito, huh! Bonggacious na bonggacious ‘ika nga, dahil tatlong big stars ng ABS-CBN, at pare-parehong mga host ng network ang mag-aalsa-balutan na!

Marami talaga ang nagtaas ng kilay at nagtatanong kung bakit? At sinu-sino ang tatlong bigating host na ito?

Ang chika sa akin ng aking parazzi girl na nakabase sa nasabing network, aalis na nga ang TV host/actor na si Edu Manzano sa kanyang pang-umagang programa sa Dos, ang Umagang Kay Ganda at sa Pilipinas, Game Ka Na Ba? Dalawa nga raw isasantabi ni Duds dahil uunahin niya raw muna ang kanyang ambisyon na namging senador. Nakakaloka, ha?! At ang napipisil na papalit diumano sa kanya ay ang anak nitong si Luis Manzano sa game show na Pilipinas, Game Ka Na ba? Habang wala pa raw Edu, Kris and Willie, leaving ABS-CBN soon?!napipiling kapalit niya sa Umagang Kay ganda.
Naku, ha?! Hindi pa rin siya natatakot na ma-lost. Kaya balak na raw makipag-usap ni Edu kay Sen. Bong Revilla, ngunti ayaw raw nitong makasama pa ang isang senador na si Jinggoy Estrada, dahil super-alaskador daw ito. Nahahanay nga raw ang pagtakabo ni Edu bilang senador sa tiket ng administrasyon. May ganu’n?! O, anong mase-sey n’yo?

Ang pangalawang mag-aalsa-balutan sa poder ng Dos ay ang Queen of Game Shows na si Kris Aquino, na tatakbo rin bilang senador ngayong 2010. Noon pa talaga, marami na ang nagbibigay ng kuro-kuro na gusto nilang patakbuhin ang anak ng dating Pangulong Cory Aquino. Ngunti hinihintay lang ni Kristeta ang tamang panahon. Kaya ang usap-usapan na papalit sa kanya ay ang TV host/actress din na si Toni Gonzaga. Ito nga raw ang napipisil na papalit kay Kris at wala nang raw iba pang pagpipilian. Naku, ha?! Nahahanay naman daw sa partido ni Sen. Mar Roxas ang candidacy ni Tetay.

ADVERTISING

Ngunit medyo nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kanila, dahil sa pagge-guest nina Korina Sanchez at Sen. Mar Roxas sa programa ni Willie Revillame na Wowowee. Kaya papaling-paling pa ang isip ng magaling na host.

Speaking of Willie, papalitan nga raw ito ng guwapong si John Lloyd Cruz. Si Lloydie nga raw kasi ang napipisil na papalit kay Willie, dahil tatakbo rin umano itong senador sa ilalim ng partido ni Sen. Manny Villar.

Naku, talagang malaking aabangan ito ng lahat, dahil tatlong bigating host ng ABS-CBN ang mag-aalsa-balutan upang sungkitin ang posisyon bilang seandor. Kahit hindi pa ito sinasabi ng tatlong magagaling na host, usap-usapan na ito diumano sa bakuran ng nasabing network.

Dagdag pa, bawal pa nga raw itong ilabas, at isosorpresa na lang daw nila ang publiko. Ngunti sa inyong Tita Swarding, walang makapipigil. Hindi lang ‘yan basta chika, huh! ‘Yun na!

E-mail: tita_s2006@yahoo.com

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING