Edgar Allan Guzman, tinatarget si Maine Mendoza!

ADVERTISING

Edgar Allan Guzman, tinatarget si Maine Mendoza!

Edgar Allan Guzman, tinatarget si Maine Mendoza!
Edgar Allan Guzman

VERY VOCAL ang award-winning actor at bida ng pelikulang Pinay Beauty (She’s No White) na si Edgar Allan Guzman na gusto niyang makatrabaho in the future ang ka-love team ni Alden Richards na si Maine Mendoza.

ADVERTISING

Ni-request na rin daw niya ito sa kanyang manager na si Noel Ferrer at feeling niya magiging posible naman dahil nasa GMA-7 na siya at dati ring produkto ng Mr. Pogi ng Eat Bulaga.

 

“Vocal ako na gusto kong makatrabaho si Maine Mendoza. Pasintabi sa Aldub, pero gusto ko siyang makatrabaho,” bulalas ni EA.

ADVERTISING

“Kasi feeling ko, ang sarap niyang katrabaho lalo na pag romcom. Siya yung nakikita ko na puwede.

“To tell you honestly, naghahanap ako ng babae na puwedeng kabatuhan sa romcom at nakikita ko si Maine at gusto kong gumawa ng pelikula na kasama siya.

“Kung puwede akong mag-produce, co-produce, bakit hindi?” hamon pa ng aktor.

Who knows, baka sakaling matupad nga ang wish na ito ni EA after gawin ni Maine ang pelikula with Coco Martin and Vic Sotto  na Jack Em Popoy na kasali sa 2018 Metro Manila Film Festival. Think positive lang, di ba?

Anyway, showing na sa Aug. 15-21 ang Pinay Beauty na pinagbibidahan din ni Chai Fonacier. Ang pelikula ay entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino na project ni Liza Dino sa FDCP.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING