Edgar Allan Guzman, proud sa bading na kuya

Edgar Allan Guzman, proud sa bading na kuya

Edgar Allan Guzman, proud sa bading na kuyaNagustuhan daw ni Edgar Allan Guzman ang script ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” kaya niya tinanggap ang pelikula.

“Alam naman natin na totoong nangyayari ‘yon (pa-mhin o closet queen na nai-in love sa best friend niyang lalaki). Kahit nung ginagawa ko siya, naramdaman ko naman kasing napakatotoo ng sinulat ni Direk Joven.

“Aminin natin na nangyayari talaga ‘yon sa totoong buhay, so makare-relate talaga kayo, makare-relate ‘yung mga audience. Tatawa at iiyak talaga sila sa movie,” kuwento pa niya.

Ayon kay Edgar Allan Guzman, first time niyang gumanap na isang paminta (pa-mhin) sa pelikula.

“Napakarami ko na ring nagawang gay roles, pero ‘yung paminta, parang first time ko lang yata ito. ‘Yung iba kasi, hindi naman totally ganito. ‘Yung iba ko, out na out ako, eh, malandi ako.

“Actually masarap gumanap ng role na paminta, I swear. ‘Yung gay roles, gustung-gusto kong ginagawa ‘yon.

“Kasi unang-una, nagagawa ko ‘yung gusto ko, nalalaro ko and kung saan ako humuhugot sa ganung role, I’m proud na sabihing may brother ako na ganu’n,” pag-amin niya.

Ang nakatatandang kapatid daw ang kadalasang peg niya kapag gumagawa ng gay role.

“Siya ‘yung laging peg ko sa lahat ng mga gay roles o paminta kong gagawin. Siya ‘yung peg ko. Hindi na ako humahanap sa ibang tao,” sey pa niya.

La Boka
by Leo Bukas