Edgar Allan Guzman niregaluhan ang ina ng bagong bahay

Leo Bukas

SINORPRESA ng aktor na si Edgar Allan Guzman ang kanyang ina ng bigyan niya ito ng bagong bahay bilang Christmas gift. Ibinahagi ni EA ang magandang balita sa kanyang social media account kung saan makikita ang magarbong bahay na ipinatayo at pinag-ipunan niya para sa kanyang butihing ina.

“About last night. Priceless moment of my life. This is for you! Merry Christmas,Ma! Enjoy our new house, AKO NAMAN MA,” caption ni EA sa kanyang Instagram post.

Edgar Allan Guzman niregaluhan ang ina ng bagong bahay
Edgar Allan Guzman and mom in their new home

Sa video na in-upload ni EA sa IG ay kitang-kita kung paano naging emotional ang kanyang mommy nang makita ang bahay. Halata ring hindi ito talaga makapaniwala.

“Merry Christmas! Bahay mo,” sabi pa ni EA sa kanyang ina.

Sabay din silang nag-house tour sa bagong bahay na mapapanood din sa video.

Hindi naman napigilan ng ilang celebrities at kaibigan ang paghanga sa ginawa ni EA. Nagpadala sila ng mga mensahe sa comment section ng IG account ng aktor.

“Congratulations sa ‘yo @ea_guzman more blessings para sa ‘yo at sa buong family mo tol Merry Christmas,”  ani Wendell Ramos.

Sey naman ni Rodjun Cruz, “God bless you more my brother @ea_guzman! Congratulations!”

“Naluha ako!!!!!️ congrats Ea,” reaksyon naman ni Jolina Magdangal.

Well, sa ginawa ni EA, lahat ng mga ina ay mapapasabi na lang ng “sana all.”

 

 

Previous articleVLOG WATCH: A Day in Ysabel Ortega’s Farm!
Next articleEdu Manzano at Cherry Pie Picache 20 years nang may gusto sa isa’t isa