Edgar Allan Guzman, hindi na nag-e-expect ng acting nomination

Edgar Allan Guzman, hindi na nag-e-expect ng acting nomination

Edgar Allan Guzman
Edgar Allan Guzman

Wala pang playdate ang pelikula ni Edgar Allan Guzman kasama si Michael Pangilinan na “Pare, Mahal Mo Raw Ako”. Pero base sa reaksyon ng mga nakapanood na ng pelikula, deserving daw ng nominasyon si EA sa pelikula.

Ayon naman sa aktor, ayaw niyang mag-expect ng mga ganu’ng bagay.

“Ayoko po talagag mag-expect, ayoko talaga. Kasi ‘pag nag-i-expect ako, nasasaktan ako. Pero kung papalarin na mabigyan ng nominasyon or ng award, why not, maraming-maraming salamat.

“Kumbaga, matagal na ring panahon na hindi ako nano-nominate at nananalo ng award, kaya nga binigay ko ‘yung best ko rito para makita nila na kahit sumasayaw ako, nag-Your Face Sounds Familiar, eh, mahal ko pa rin ang pag-arte, na nando’n pa rin, at hindi pa rin nawawala ‘yung acting sa akin,” sabi pa niya.

Habang hindi pa abala sa promo ng pelikula, abala ngayon si Edgar Allan Guzman sa syuting ng movie nila ni Alex Gonzaga, sa album niya sa Star Music at sa taping ng “Doble Kara”.

Ibinalita rin ng manager niya sa amin na ire-revive niya ang kantang ‘Someday’ ni Nina sa kanyang album na as of now ay wala pa raw title.

La Boka
by Leo Bukas