Edgar Allan Guzman, ‘di na umaasang mananalo sa talent show

Edgar Allan Guzman, ‘di na umaasang mananalo sa talent show

Edgar-Allan-GuzmanSA APAT na finalist ng Your Face Sounds familiar na sina Nyoy Volante, Jay R, Melai Cantiveros, at Edgar Allan Guzman, ang huli ang hindi umaasang mananalo dahil ang winner ay iba-base sa may pinakamaraming text vote at on-line votes.

Feeling din daw kasi ni Edgar Allan na siya ang pinakabata at bago lamang sa ABS-CBN.

Pagdating daw sa performance, nangunguna sina Jay R at Nyoy. Pagdating sa text votes, alam daw namang nanalo si Melai sa Pinoy Big Brother through text votes.

Ayon pa kay Edgar, hindi siya mayaman at walang kakayahang gumastos sa text votes. Basta masaya lamang siya dahil nakasama siya sa Final Four. Hiling niya sa televiewers na kung magustuhan ang performance niya ay iboto siya at i-convince din ang mga friends nila na iboto siya.

Pagdating naman sa kanyang lovelife ay tahimik lang dahil mas nakatutok sya sa kanyang showbiz career.
PERSONAL: ALMOST two weeks din pong na-confine sa Philippine Heart Center ang inyong lingkod. Salamat sa magaling naming doctor na si Doctor Bernard Baluga, Doctor James Dy, at sa mga nurse na nag-asikaso. Ganoon din kay Congresswoman Lani, Nay Cristy Fermin, Portia Ilagan, at siyempre sa aking pamilya na laging nandiyan, atbp. na nagparating ng kanilang panalangin at suporta.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo