Edgar Allan Guzman, balik ulit sa simula sa Dos

Edgar Allan Guzman, balik ulit sa simula sa Dos

Edgar-Allan-GuzmanUMALIS NA sa TV5 si Edgar Allan Guzman. He is now a certified Kapamilya. In fact, may regular teleseye na kaagad si Edgar. Kasama siya sa cast ng Oh My G! na pinagbibidahan nina Janella Salvador, Marlo Mortel at Manolo Pedrosa.
“Yes, Kapamilya na ako!” masayang pagmamalaki ni Edgar. “Iniwan ko na ang show sa kabila. Last year pa nag-expire ang contract ko sa kanila,” dagdag pa niya.
Mutual decision ni Edgar at ng manager niyang si Noel Ferrer ang pag-alis sa TV5 at paglipat sa ABS-CBN.
“Pareho naming desisyon ito para masubukan ko naman ang bagong opportunity dito sa ABS-CBN. And I don’t care kahit magsimula ulit ako sa scratch,” sey pa ng aktor.
Dagdag pa niya, “Nakita ko kasi sa ABS-CBN na puwede pang ilabas ‘yung talent ko na hindi ko pa naipapakita noon sa TV5. Iniisip ko rin kasi ‘yung growth ko as an actor, sa tingin ko, mas merong growth ako rito (ABS-CBN).”
Handa naman si Edgar na magsimula ulit from the scratch sa ABS-CBN. Ang peg daw niya sa career ay si Coco Martin na nag-start sa indie, pero ngayon ay established actor na.

La Boka
by Leo Bukas