Edgar Allan, ‘di takot ma-typecast kahit pang-9 na gay role na niya ang “Working Beks”

ADVERTISING

Edgar Allan, ‘di takot ma-typecast kahit pang-9 na gay role na niya ang “Working Beks”

Edgar Allan Guzman
Edgar Allan Guzman

Edgar Allan Guzman plays another gay character sa bagong pelikula ng Viva Films na “Working Beks” na ipalalabas sa November 23. Pero kakaiba raw ito sa lahat ng gay roles na nagawa na niya in his past movies.

“Kasi rito sa ‘Working Beks’, artista rin ang role ko. Matinee idol ako, heartthrob ako rito na may ka-love team, pero hindi alam ng ka-love team ko at ng mga taga-showbiz na bading ako, until lumabas ‘yung sex video ko,” pahayag niya about his role.

May mga kilala ba siya sa showbiz na katulad ng karakter niya sa “Working Beks”?

“Ayokong magsalita… ayokong magsalita talaga. No comment ako. Ayoko talaga, kasi siyempre hindi rin naman ako sure at hindi ko rin alam, kasi hindi rin naman ako marunong tumingin kung ‘ay, bading ito.”

ADVERTISING

Ayon pa sa binata, hindi rin daw maiwasan talaga na nakae-encounter siya ng mga ganu’ng klaseng tao sa showbiz.

“Marami ring ganu’n, eh. Pero siyempre, hindi ko pinapaano ‘yung isip ko na ganu’n. Ayokong maging judgmental, parang nire-reverse psychology ko lang na ‘hindi, lalaki yan.’ Pero minsan, aamin ko talaga na may ganu’n, may nangyayaring ganu’n,” pagtatapat niya.

Pang-siyam na gay role na pala ni EA ang karakter na pino-portray niya sa “Working Beks”. Magkaganu’n man, hindi raw siya talaga natatakot ma-typecast.

“‘Yung sa pelikula kasi, parang iba ‘yung path ko. Papunta ako ro’n sa parang character actor. Kasi ‘yon ‘yung gusto ko ring gawin. Pero ro’n nga sa sinasabi nila na hindi ba ako natatakot, kasi nata-typecast nga ako sa mga ganito, hindi naman, eh.”

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING