Eddie Garcia, ‘di sineseryoso ang mga tsismis

ADVERTISING

Eddie Garcia, ‘di sineseryoso ang mga tsismis

Eddie-GarciaKAPAG SEASONED ka tulad ni Mr. Eddie Garcia, marami kang word of wisdom na puwedeng i-share sa mga baguhan or mas bata kaysa sa ‘yo.

ADVERTISING

During the grand press launch ng bagong teleserye na Sana Bukas Pa Ang Kahapon, sabi ni Mang Eddie, ang tsismis, hindi siniseryoso. “Kapag narinig mo, palabasin mo sa kabilang tenga,” na advise niya sa mga kabataang mga artista na kasama niya sa bagong project niya sa ABS-CBN.

Kung tututusin, favorite senior actor siya ng istasyon na from Juan dela Cruz to Honesto in a span of less than one year ay kabilang na naman si Mr. Eddie sa pinakaaabangang teleserye mula sa DreamScape Entertainment kung saan bida sina Bea Alonzo at Paulo Avelino.

Sa teleserye, he plays a very important role tulad ng senior star at Movie Queen na si Susan Roces na kabilang din sa mga major support kina Bea at Paulo.

ADVERTISING

I am sure, this new teleserye will cater na naman sa adult viewers tulad sa late night drama na papalitan nila na The Legal Wife. Super sexy raw si Paulo sa kanyang mga eksena na type ng mga beki.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING