Parazzi Chikka: Echo-Tin, pilit sinasakop ang Mega Manila

Parehong patok sa masa ang Echo-Tin at Jolina-Marvin team-ups. Mataas ang ratings ng Adik Sa’yo kumpara sa dating katapat nitong Kapamilya serye na The Wedding. Kaya naman na-excite tayo kung sino nga ba ang mas magiging patok sa dalawang love team matapos ilabas ang pilot episode ng Dahil May Isang Ikaw (DMIK) last week. Ayon sa TNS National TV Ratings, pumalo ang DMIK sa 33.3% sa unang gabi nito, samantalang 20.2% naman ang Adik Sa’yo. Samatantalang 28.8% naman ang DMIK at 28.3% ang Adik Sa’yo sa talaan ng AGB Mega Manila TV Ratings.

Malayo ang agwat ng Echo-Tin serye pagdating sa national ratings. Hindi lang siguro dahil sa pagpapakilig ni Jericho Rosales at Kristine Hermosa, kundi dahil na rin sa magaling na all-star cast nito na talagang nakikipagbakbakan pagdating sa aktingan. Sa Mega Manila naman, masasabing nakaupo sa see-saw ang dalawang teleserye dahil sa akyat-baba ng ratings. Makuha kaya ni Echo-Tin ang Mega Manila sa susunod na mga linggo?

TNS NATIONAL TV RATINGS

August 24 (Monday)

Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) – 33.3%
Adik Sa ‘Yo (GMA-7) – 20.2%

August 25
Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) 30.2%
Adik Sa ‘Yo (GMA-7) 20.8%

August 26
Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) 29.9%
Adik Sa ‘Yo (GMA-7) 21.8%

August 27
Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) 31%
Adik Sa ‘Yo (GMA-7) 24%
AGB MEGA MANILA COMPARATIVE TV RATINGS
August 24 (Monday)

Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) 28.8%

Adik Sa ‘Yo (GMA-7) 28%;

August 25 (Tuesday)
Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) 28.8%
Adik Sa ‘Yo (GMA-7) 28.3%

August 26 (Wednesday)
Adik Sa ‘Yo (GMA-7) 27.4%
Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) 26.9%

August 27 (Thursday)
Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) 30.9%
Adik Sa ‘Yo (GMA-7) 29.8%
Parazzi Chikka
by Faith Salazar

Previous articleNikki Gil, seryoso sa relasyon kay Billy Crawford – Eddie Littlefield
Next articleKristine Hermosa, agaw atensiyon kay Diet?

No posts to display