Sipat-eklat #162: Echo at Tintin, ‘di na bagay sa roles na tinedyer na super-inlababo!

Sipat-eklat #162: Echo at Tintin, ‘di na bagay sa roles na tinedyer na super-inlababo!SIPAT: GIRLFRIEND sa DILIM ni RICHARD GUTIERREZ ang BANSAG kay JEWEL MISCHE.
EKLAT: Sa GANDA ni JEWEL, pang-HORROR ang dating ng TITULO niya, huh!

SIPAT: Baka naman ang GUSTO ni RICHARD, ‘wag maging PUBLIC ang RELASYON nila ni JEWEL.
EKLAT: Sabagay, ‘yung AIRPORT INCIDENT, ‘gang NGAYON, e, TAMEME ang PAMILYA nila.

SIPAT: May IMAGINARY BOYFRIEND naman si RUFA MAE QUINTO?
EKLAT: Puro KUWENTO lang kasi ang SEXY COMEDIENNE sa RICH DYOWA niya, WALA namang EBIDENSIYA!

SIPAT: ‘Yung BAHAY ni RUFA MAE sa ‘TATE na REGALO raw ng RICH BF niya, ‘di pa ba ‘yon EBIDENSIYA?
EKLAT: KUWENTO lang, WALA namang NAKAKITA.

SIPAT: E, ‘yung ENGAGEMENT RING niya, PUWEDE ‘yung EBIDENSIYA?
EKLAT: PUWEDE rin na BINILI lang ni RUFA MAE, ‘asan pa rin ang RICH BOYFRIEND niya?

SIPAT: Susme, NAHILO lang at NAGSUKA si SUNSHINE DIZON, BUNTIS na?
EKLAT: Baka may NALULON, este, may NAKAIN lang si ‘SHINE, kaya NAGSUKA.

SIPAT: Si MELISSA RICKS nga NATSISMIS na BUNTIS kahit HINDI siya NAHILO at NAGSUKA.
EKLAT: UMUSLI lang ang TIYAN ni MELISSA sa DAMIT na SUOT niya, huh!

SIPAT: NAPANSIN n’yo ba, parang TINEDYER na SUPER INLAB sa isa’t isa ang ROLES nina JERICHO ROSALES at KRISTINE HERMOSA sa TELESERYE nila?
EKLAT: HINDI BAGAY, kasi, PROFESSIONALS ang KARAKTER nila. Pero MAS lalong HINDI na BAGAY sa EDAD nila…

SIPAT: Wow! KUMITA na ang YAYA & ANGELINA nina OGIE ALCASID at MICHAEL V nang MAHIGIT P50-M in TWO WEEKS!
EKLAT: ‘Yung KIMMY DORA ni EUGENE DOMINGO, ONE WEEK lang, ganyan na ang KINITA.

SIPAT: DADALO si ANGEL LOCSIN sa awarding rites ng INTERNATIONAL EMMY AWARDS. Pero SARILI niyang GASTOS ‘yon, huh!
EKLAT: Naku, TIYAK na MAUUNGKAT ang TSISMIS sa RICH CHINESE BUSINESSMAN…

SIPAT: AFFORD naman ni ANGEL ang GUMASTOS, depensa ng LOYAL SUPPORTERS ng aktres.
EKLAT: OO NAMAN! Kahit walang RICH CHINESE BUSINESSMAN!

SIPAT: Ay, HINDI pala MAKAKASAMA ni ANGEL si PIOLO PASCUAL. Ang AKTOR pa naman ang LEADING MAN niya sa LOBO.
EKLAT: KURIPOT kasi si PAPA P, bulong ng isang mahadera, WALA naman kasing SHARE ang KAPAMILYA sa GAGASTUSIN ni ANGEL sa EMMYS.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service