Ebidensiya, lumabas na!
Jodi Sta Maria at Jolo Revilla, kumpirmadong magkasama sa hong kong!

ADVERTISING

<i> Ebidensiya, lumabas na! </i><br> Jodi Sta Maria at Jolo Revilla, kumpirmadong magkasama sa hong kong!

AMINADO ANGmagaling na aktres na si Jodi Sta. Maria na ‘someone special’ ang turing niya kay Jolo Revilla. Ayon sa mga ulat, may isang taon na ring nagde-date ang dalawa, pero walang pag-amin sa mga ito sa kung ano na nga ba ang estado ng kanilang relasyon.

Mainit ngayon sa mata ng publiko si Jodi dahil na rin sa pagtutok ng sambayanan sa nananatiling top-rating series nitong Be Careful With My Heart. Aliw ang manonood sa karakter ng aktres na si Maya, at napamahal na rin siya sa mga ito. Kaya naman hindi maiiwasang maging sentro ng usapan sa loob at labas ng showbiz si Jodi, at interesado ang madlang pipol, kundi man sa pribadong buhay nito, eh kahit sa buhay pag-ibig man lang.

Kasi naman, sa simula pa’y hindi naging bukas na aklat ang pribadong buhay ni Jodi. Bukod sa alam na natin, na may anak siyang si Thirdy mula sa nakahiwalayang asawang si Pampi Lacson, wala na tayong iba pang alam sa sumunod na kabanata ng kanyang buhay pag-ibig. Sabi nga, nanatiling misteryosa ang isang Jodi Sta. Maria.

Hindi rin kasi mapagpatol sa mga intriga at isyu si Jodi, kahit na kung anu-anong alegasyon pa ang pinakawalan ng isang starlet na nauugnay ngayon sa kanyang dating asawa.

ADVERTISING

Nito ngang kamakailan, naglabasan ang isyu ng pagpunta umano nina Jodi at Jolo sa Hong Kong. Ito rin umano ang dahilan kung bakit hindi nakadalo si Jodi sa Star Magic Ball noong September 1.

Ayon sa mga nalathalang interbyu kay Jodi, inamin nitong nasa Hong Kong nga siya noong mga panahong iyon at kasama niya ang kanyang anak. Hindi naman kinumpirma o itinanggi ng magaling na aktres ang isyung kasama niya ni Jolo. May mga ulat pang kasama rin umano ni Jolo ang anak nito, at nagpunta sila sa Hong Kong Disneyland.

Pero sa nahagilap naming mga litrato, kumpirmadong magkasama nga sina Jodi at Jolo sa Hong Kong. Ayon sa nakarating na impormasyon sa amin, kasama nga rin nina Jodi at Jolo ang kani-kaniyang anak.

<i> Ebidensiya, lumabas na! </i><br> Jodi Sta Maria at Jolo Revilla, kumpirmadong magkasama sa hong kong!

Sa dalawang litrato, bagama’t magkahiwalay ang kuha nina Jodi at Jolo, hindi maitatangging nasa iisang lugar lang sila. Sabi sa amin, kuha ang litrato sa entrance gate ng Hong Kong Disneyland, kung saan isang grupo mula sa isang kumpanya na binigyan ng Hong Kong tour incentive ang nagpakuha ng litrato sa dalawa. Kaya’t ‘di kataka-taka na magkakaparehas ng damit at nakasabit na ID ang mga nagpakuha ng litrato. Mapapansin pa na ang payong na gamit ni Jolo ay may tatak na ‘Disnyeland Hotel’ katulad ng payong na nakasukbit sa kanang braso ni Jodi, kung saan makikita pa sa gawing likuran niya ang Hong Kong Disneyland. Dagdag pang detalye sa amin na kuha ang mga litrato noong September 1.

Kaya nga man aminin man o hindi, malinaw pa sa sikat ng araw na magkasama sila ni Jolo sa Hong Kong nang mga panahong iyon. Dahil ‘eto na nga ang ebidensiya, lumabas na!

 

NAGKAROON KAMI ng pagkakataon na panoorin ang first 20-minutes ng upcoming horror movie na Tiktik: The Aswang Chronicles ni Direk Erik Matti sa viewing room ng PostManila sa Makati.

Nakamamangha ang pagkakagawa ng pelikula na siyento porsiyentong kinunan sa kroma sa isang warehouse sa FTI Taguig na ginawang studio, at nilapatan ng computer-generated images (CGIs) ng kumpanyang Mothership. Kakaiba ang pagkakalikha sa mga aswang at sa backdrop ng buong pelikula na talaga namang maihahalintulad sa Hollywood-made movies.

Ipinagmamalaki naman ni Direk Erik na higit sa special visual effects ng CGIs ang matutunghayan sa pelikula, dahil buo at maganda rin umano ang pagkakalatag ng istorya nito. At bagama’t dumaan sa advance at very technical post-production, very local ang flavor ng pelikula na nakaugat sa malalim na kultura at tradisyon ng mga Pinoy patungkol sa mga aswang. Sa katunayan, patikim pa lang ang Tiktik, dahil may dalawa pang pelikula na bubuo sa The Aswang Chronicles, with the same casting na kinabibilangan nina Dingdong Dantes, Lovi Poe, Janice de Belen, Joey Marquez, at iba pa.

Ang Tiktik: The Aswang Chronicles na mula sa pinagsanib na produksyon ng Reality Entertainment, Agostodos Pictures, GMA Films, PostManila at Mothership ay nakatakdang magbukas sa mga sinehan sa Oktubre 17.

 

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING