EB co-host Patricia Tumulak, pati pamilya, apektado na rin sa kanyang bashers

EB co-host Patricia Tumulak, pati pamilya, apektado na rin sa kanyang bashers

Patricia Tumulak
Patricia Tumulak

Apektado na raw ang pamilya ng “Eat… Bulaga!” co-host na si Patricia Tumulak sa pamba-bash dito, dahil sa pagkaka-link sa Pambansang Bae na si Alden Richards.
Hindi nga raw alam ni Patricia kung bakit siya nali-link kay Alden, samantalang hindi naman daw ito ganu’n ka-close sa binata at hindi naman nito laging nakasasama ang Pambansang Bae.
At kahit nga raw si Alden ay nagkakataka din kung bakit pilit na inili-link sa kanya si Patricia, samantalang hindi naman daw nito nakasasama ang magandang EB co-host.
Pilit na dini-deadma na lang daw ni Patricia ang pamba-bash sa kanya, pero hindi raw nito makontrol ang kanyang pamilya na maapektuhan sa pamba-bash sa kanya.

John’s Point
by John Fontanilla