EB Babes umindak sa tagumpay!

ADVERTISING

EB Babes umindak sa tagumpay!May of 2006 nang magsagawa ng search for EB Babes ang Eat.. Bulaga! Ito’y bunsod ng pagkawala ng Sexbomb sa show dahil sa hindi pagkakaunawaan between the group and their manager na si Joy Cancio at ang pamunuan ng EB headed by TAPE executive na si Malou Choa-Fagar. Tumagal ito hanggang August kung saan officially, the final ten members were officially launched sa longest-running noontime show.

From thousands of pretty and sexy girls all over the country na nagbakasakaling suwertehing mabigyan ng break, 20 hopefuls were selected at idineretso sa training camp. Every week, may dalawang nai-eliminate hanggang sampu ang natira na siyang bumuo nga sa grupong EB Babes.

ADVERTISING

Hasang-hasa na bale ang ten lucky young women na pinalad maging EB Babes. Hindi lang sila basta magagandang mukha at nagsiseksihang kababaihan kundi talagang na-groom nang husto dahil sa sandamakmak na training na kanilang pinagdaanan sa gymnastics, ballroom, jazz, at kung anu-ano pa.

[ad#post-ad-box]

While on their way to popularity and success, normal na magkaroon din ng mga problema within the group. Nandiyang may mga naging pasaway, pero ang kagandahan, madali naman daw nasusuheto at nakikinig sa mga payo at guidance ng production staff ng Eat… Bulaga!

Sa panahong nagdaan, nakilala na ang grupo, may mga hindi na nagpatuloy at piniling tumiwalag sa mga kadahilanang they want to pursue their studies and other plans pa sa buhay nila gaya nina Mae, Madel at Lian Paz na na-link kay Janno Gibbs, Mark Herras, and lately ay naging girlfriend ni Paolo Contis. Pinalitan sila nina Stephanie, Maricon, at isa pang ubod din ng ganda at galing sumayaw.

ADVERTISING

Ang parang nagiging counterpart ngayon ni Rochelle Pangilinan ng Sexbomb sa EB Babes ngayon ay si Anne. Madalas siyang nasi-single out na biruin ni Vic gaya ni Rochelle noon at nabibigyan ng solo exposure madalas.  Binigyan pa nga siya ni Bossing ng palayaw na Hopia dahil sa pagiging gelatin at mali-mali nito.

Lahat magaganda pero among the group, parang mas pinakanapapansin ang beauty ni Sida (Zaida). Ito rin daw ang pinaka-kikay sa lahat.

Wala mang nanay-nanayang gaya ni Joy Cancio ng Sexbomb, si Ms. Malou Choa-Fagar bale ang naging mentor nila.  Other staff ng Eat… Bulaga! took charge sa pag-aalaga at pag-attend ng needs ng bawat grupo mula sa mga karagdagang trainings pa nila plus other people who will take charge of their rehearsal and dance choreoghraphies, costumes at mga damit na isusuot. At may mga individual PA (productions assistant) rin sila.

Kahit ang gagaling na nilang sumayaw, patuloy pa rin ang kanilang dance classes. Masyadong tutok din sa rehearsals ng bawat production numbers na ginagawa nila for EB na umaabot hanggang five hours per session.

Sa financial matters naman, well-taken care of din ang EB Babes. Well compensated ang mga ito for all the hard work and dedication nila bilang in house dance group ng Eat… Bulaga!

Despite their very busy schedule sa EB pa lang, they find time na umapir rin sa invitations for personal appearances and out-of- town shows. Extra raket at income din nga naman ito for them. But what really excites them bukod sa karagdagang kita, ang ma-experience kung gaano kainit ang suporta at paghangang iniuukol sa kanila ng publiko.

Gaya ng Sexbomb, malaki ang nagawa ng Eat…Bulaga! para makilala nang husto ang EB Babes. Hindi mawawala ang comparison sa dalawang grupo. Hindi na rin marahil tuluyang maaalis ang tensiyon sa pagitan nila dahil sa tingin ng karamihan, kahit magkasundo na ay rival groups pa rin sila.

Pero para sa EB Babes, imbes na magpadala sa panggagatong na pumatol sa mga nagiging intriga sa kanila, mas tama na sa trabaho na lang nila sila mag-focus habang patuloy nilang ini-enjoy ang tagumpay na hatid ng pagbubukas ng pintuan ng Eat…Bulaga! para sa kanila.

by Ruben Marasigan

ADVERTISING