EB Babe Mergene Maranan, ang babae ni Jose Manalo?!

ADVERTISING

EB Babe Mergene Maranan, ang babae ni Jose Manalo?!

EB Babe Mergene Maranan, ang babae ni Jose Manalo?!AYON SA aming reliable source, nasa planning stage pa lang daw ang plano ni Luis Manzano na pasukin din ang pagiging bus operator, bukod sa pagnenegosyo ng mga taxi.

If this business plan pushes through, maaaring maging business partners diumano ng TV host at aktor sina Willie Revillame at Manny V. Pangilinan, dagdag tsika ng aming source.

Marahil pinag-aaralan na ng Wil Time, Big Time host at ni MVP ang ganitong uri ng transport business.

Aba naman, ang lucky talaga nina Gov. Vilma Santos-Recto at Edu Manzano sa panganay nila dahil sa pagiging business minded nito, huh!

ADVERTISING

Ang sey pa nga ng aming source, gusto rin sana diumano ng boyfriend ni Jennylyn Mercado na magtayo ng pawnshop na may mababang interes in the near future para makatulong sa mga taong nagigipit.

Nang makakuwentuhan namin si Luis sa Sarah G Live, ipinakita nito sa amin ang picture ng isang unit ng kanyang taxi na nasa cellphone n’ya dahil pinakulayan daw nila ito ng kanyang mga kaibigan at business partners ng kulay “pink” para alam daw agad ng mga tao na ‘yon ang kanilang taxi at dahil na rin sa may kanya-kanyang kulay talaga ang mga kilalang taxi.

Speaking of Jennylyn, true kaya ang nasagap naming tsika na maka-Nora Aunor o Noranians daw ang buong pamilya nito, hindi Vilmanians, kabilang ang kanyang Mommy Lydia?

Alam kaya nina Luis at Ate Vi ito, at ano ang kanilang mase-sey, maging ng kani-kanilang mga fans, lalo na ang mga Vilmanians?

 

SA ARAW-ARAW na pagbabasa ng d’yaryo ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto bago mag-umpisa ang kanyang trabaho, hindi raw nito pinalalampas ang Entertainment Section ng halos lahat ng pahayagan para updated pa rin ito sa showbiz happenings.

Apat na magkakaibang broadsheet titles daw ang ipinabibili ng Star for All Seasons, at worth P130.00 daw ang halaga ng mga tabloids na binabasa n’ya kada-araw.

 

DALAWANG ARAW nga matapos ang successful at first ever major concert nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Big Dome ay lumabas ang interview ng asawa ng una na si Annalyn Manalo sa The Buzz nu’ng Linggo hinggil sa paglisan diumano ng komedyante sa kanya at kanilang mga anak nu’ng January 6 ng taong ito.

Ayon din kay Annalyn sa lumabas na interview ay may karelasyong ibang babae diumano si Jose.

Gaano kaya katotoo ang siksik na balitang nakarating sa amin na ang rumored girlfriend diumano ni Jose ay ang EB Babe na si Mergene Maranan na kasama nito sa kanilang noontime show na Eat Bulaga?

EB Babe Mergene Maranan, ang babae ni Jose Manalo?!

SI ENRIQUE Gil pala ang magiging katambal ni Kathryn Bernardo sa kanyang bagong teleserye na Princess and I kung saan makakasama nila sina Albert Martinez at Gret-chen Barretto.

Unang nagkasama sina Enrique at Kathryn sa kanilang unang pelikula last year na Way Back Home with Julia Montes and Sam Concepcion.

Puspusan daw ang script reading ng dalawa at pag-aaral ng salitang Bhutan bago tumungo ang mga ito roon para mag-taping.
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING