“Eat … Bulaga!”, lagpas tatlong dekada nang nagbibigay-saya sa mga Filipino

ADVERTISING

"Eat ... Bulaga!", lagpas tatlong dekada nang nagbibigay-saya sa mga Filipino

Tape Executive Malou Choa-Fagar With Pia Guanio & Alden Richards
Tape Executive Malou Choa-Fagar With Pia Guanio & Alden Richards

“Thank You, LORD for the success of Eat Bulaga you’ve carried us through the 37 years and still counting! alleluia!”

Ito ang post ng mabait at very generous na Senior Vice President ng TAPE Inc., producer ng “Eat… Bulaga!“, na si Tita Malou Choa-Fagar sa pagseselebra ng 37th anniversary ng nasabing noontime show.
Very thankful daw si Tita Malou sa lahat ng taong walang sawang sumusuporta at patuloy na tumututok mula Lunes hanggang Sabado sa number one at most awarded noontime variety show sa bansa.
Ang suporta raw ng kanilang regular viewers ang kanilang inspirasyon para mas pagandahin pa ang “Eat… Bulaga!”. At sa pagpasok nito sa ika-38 taon, asahan daw na mas marami pang pakulo ang kanilang ihahatid para mas maging masaya ang panonood ng bawat Filipinong nanonood ng “Eat … Bulaga!” mula sa Pilipinas hanggang sa ibang bansa.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING