Earlier jailed for beating his wife: Robin Padilla’s brother Royette was transferred to Angeles City Jail for homicide

Earlier jailed for beating his wife: Robin Padilla’s brother Royette was transferred to Angeles City Jail for homicide

Earlier jailed for beating his wife: Robin Padilla’s brother Royette was transferred to Angeles City Jail for homicidePERSONAL NA PINUNTAHAN natin si Royette Padilla, ang nakatatandang kapatid ni Robin Padilla, sa Police Station 4, kung saan ay sinasabing naka-detain ito resulta nang ginawang pambubugbog sa asawa. Kumpirmadong sinaktan nga ni Royette ang babaeng pinakasalan na nagbunga ng maraming pasa sa katawan na siyang naging dahilan upang makulong ng kung ilang oras ang dating aktor sa nasabing police station.

Ang kasong physical injuries ay hindi ang kasong naghatid kay Royette sa Angeles City Jail, kundi ang dati nitong kasong homicide ang tunay na rason kung bakit natuluyan ang kuya ni Binoe.

Base sa salaysay ni Major Tan ng Station 4, nagsabi itong vailable ang kasong physical injuries na isinampa ng asawa ni Royette kaya lang nang buksan nila ang talaan ng mga naging kaso ni Royette, natuklasan nilang matagal na pala itong may warrant of arrest, kung saan ay inihain taong 2005 pa.

Hindi na nagbigay pa ng anumang impormasyon si Major Tan sa nasabing kaso dahil ang usapin ay nasa city jail na at sa mga sandaling ito du’n na nakakulong si Royette. Pero ang tiyak, mula nang maganap ang pambubugbog hanggang sa makulong si Royette, hindi pa rin sinisilip ni Binoe ang kanyang Kuya Royette.

 

TULOY PA RIN ang pagtatrabaho ni Andi Eigenmann kahit ito ay buntis. Ayon sa isang taga-Dos, work to death pa rin ang dalaga kaya lang ay bawal u-manong lapitan ng press.

“Kung si Andi ang tatanungin, gusto niyang magpa-interview, kaya lang parang sinabihan siya sa itaas na huwag munang magsasalita,” pahayag iyon ng isang taong malapit sa aktres.

Maayos naman daw ang kalagayan ni Andi, masigla naman ang aktres at pa-yapa raw ang kalooban nito ngayong alam na ng publiko ang kanyang kalagayan. “Manggang hilaw ang gustung-gusto niyang kainin. Wala naman siyang partikular na pinaglilihian basta kung ano lang ang gusto niyang food, ‘yun na ‘yun!”

Base sa balita, hindi raw si  Jake Ejercito ang tunay na ama kundi si Albie Casiño. “Posibleng si Albie kasi matagal nang walang communication sina Jake at Andi,” tahasang sabi ng aming kausap, na nagsabi pa ring mapapahiya lang daw ang family ni Albie kung sakaling pumayag si Andi na magpa-DNA test dahil lalabas at lalabas du’n na si Albie nga ang ama.

Samantala habang ang mga tao ay abala sa pag-iisip kung sino kina Jake at Albie ang ama, ang mag-inang Andi at Jaclyn Jose ay relax lang sa kanilang buhay at hindi na nila binibigyan pa ng panahon kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ng aktres. Ang mahalaga ay magkasama silang mag-ina sa ganitong pagkakataon.

“Ako Morly, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga taong nakakaunawa sa amin,”  text iyon sa akin ni Jaclyn nang siya ay aming kumustahin.

Ayaw nang magbigay pa ng iba pang detalye si Jaclyn dahil ayon sa aktres, ang anak niyang si Andi ay may mabigat na pinagdaraanan at ayaw raw niya itong ma-stress.

“Mahal ko ang anak ko at handa ko siyang suportahan sa lahat ng gusto niya. Siyempre magagalit ako dahil ina ako, pero at the end of the day, mauunawaan ko pa rin siya.”

 

BLIND ITEM: SINO kaya sa mga alaga ni Joy Cancio ang siyobet ngayon ng isang businessman? Dahil wala nga raw masyadong pinagkakaabalahan ang grupo, kaya ang tatlo sa alaga ni Miss Cancio ay nagpaalaga na rin sa mga milyonaryo?

Hindi ganu’n kakumpirmado kung sino sa mga alaga ng Focus Entertainment ,basta ang nakarating sa amin, isa sa mga original SexBomb at dalawa sa baguhan ang may kakuyangyangang super-yaman.

Heto pa ang nakakaloka, si Joy pa raw ang naging tulay para makilala ng tatlong SexBomb ang kani-kaniyang papa. Sa  tatlong SexBomb, si dancer M daw ang pinaka-masuwerte dahil binigyan ito ng brand new car at nakatira raw ngayon sa mala-palasyong bahay?

 

More Luck
by Morly Alinio