Dyesebel ni Anne Curtis, hinakot na ang mga big star

ADVERTISING

Dyesebel ni Anne Curtis, hinakot na ang mga big star

1 Anne-CurtisMARAMI NA ang nasasabik sa Dyesebel, at naging batayan ko ang mga anak ko na tanong nang tanong kung kelan na ipalalabas. Ni hindi pa nga kami nagteteyping, eh. Yes, sa ayaw at sa gusto n’yo, kasali kami sa fantaseryeng ito na napakabigat ng casting, grabe.

Aba’y naubusan na yata ng mga big star ang ibang teleserye, dahil look, ha? Nandito sa Dyesebel sina Anne Curtis, Gerald Anderson, Sam Milby, Ms. Dawn Zulueta, Ai-Ai delas Alas, Eula Valdez, Zsa Zsa Padilla, Gabby Concepcion, Bangs Garcia, Neil Coleta, Young JV at siyempre pa, ang pinananabikang si Ogie Diaz.

Sino ‘yon? Charot! Hahahaha! Hayaan n’yo na kami sa aming ilusyon. Ilusyon lang naman na feeling big star, pero pasasaan ba’t maaabot ko rin ang pinapangarap na tagumpay. Charot.

Hahahaha! Anyway, ang alam namin, ‘yan ay mapanonood na bilang kapalit ng Honesto sa first week of March.

ADVERTISING

Excited na ba kayo?

Ako, excited na, kasi an’tagal ko nang walang show. Hahahaha!

 

BAKA MAY time kayo, ha? Every Sunday ang aming Buzz Ng Bayan online. Log on lang sa www.tfc.tv every Sunday at 2pm. Tapos, ‘pag Sabado naman ay mapapanood at mapapakinggan n’yo kami sa DZMM Teleradyo, kami ‘yon ni MJ Felipe, 9-10pm. Mapapanood din sa Sky Cable 26 at Destiny Channel 25 naman.

Okay, so para hindi n’yo ako ma-miss. Charot! Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING