Dumadalaw sa bagong dyowa
Melissa Ricks, linggo-linggong nasa Cebu!

<b>Dumadalaw sa bagong dyowa</B><br> Melissa Ricks, linggo-linggong nasa Cebu!

<b>Dumadalaw sa bagong dyowa</B><br> Melissa Ricks, linggo-linggong nasa Cebu! BLIND ITEM: Nalolokah na si Gng. Mil-yonarya. Alam naman niya na nagbago na ang sikat niyang mister, dahil nagbalik-loob na ito sa Panginoon. Ang hindi nito kinakaya ay ‘yung pagiging galante ni mister sa mga ka-fellowship.

Nandiyang a-attend lang ng fellowship si Mister Milyonaryo, humirit lang ang pastor nito na palpak ang kanilang sound system, isyu agad ng tseke si mister ng kalahating milyon lang naman para ‘pag siya ang nagsalita sa harap, maganda ang audio at maiintindihan siya ng mga makikinig.

‘Eto pa, dahil isang pastor ang bumati sa napakagara niyang kotse, aba, isang araw, tuwang-tuwa si pastor, alam n’yo kumbakit?  Binilhan siya ng kotse ni Mister Milyonaryo. Juice ko, ano ba’ng hulog ng langit itong nangyayari, hindi ba naman?

At hindi pa natapos doon, me humirit lang na kailangan ang mas malaking venue para sa mga fellowship-fellowship. Ang Mister Milyonaryo, may-I-donate na naman ng malaking sukat ng lupa at pati construction nito ay sagot din niya.

Hindi ba naman ikalokah ‘yon ni Gng. Milyonarya?

Sey nga ng aming source, hindi raw ba parang nauuto-uto na si Mister ng kung sino-sinong lumalapit dito?

Well, siguro, kung para ke Mister Milyonaryo eh, ‘yun ang kanyang paraan para ibalik sa Panginoon ang mga biyaya, walang problema. Kaso mo, ang dami raw mapagpanggap eh, ‘yun daw ang hindi nasasala masyado ni Mister Milyonaryo.

At ang tendency daw, ‘yung mga totoong loyalista nito ay nakakalimutan na, dahil ang mga pastor ang mga bagong kaibigan ngayon nito.

Well, isipin na lang natin na ginagawa lang ni mister ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya na alam din niyang makapagpapasaya sa Itaas.

“Pero sana naman, ‘wag siyang magpauto nang magpauto, dahil ang tendency ngayon, kinakaibigan na siya ng lahat ng pastor!”

 

TILA NAKA-RECOVER na sa dating relasyon itong si Melissa Ricks. Habang ang ex-boyfriend naman nitong si Jake Cuenca ay tila nakikipagmabutihan na kay Lovi Poe.

Inamin naman ni Melissa na ang nagpapatibok ng puso niya ngayon ay isang Cebuano at dating PBB housemate na si Paul Jake Castillo.

Once a week yata ay nasa Cebu itong si Melissa, eh. Eh, bakit ba, du’n siya maligaya, eh. ‘Yun ang kanyang pinakapahi-nga eh. Kami, happy kami for Mel, dahil nahanap na niya talaga ang right guy after Jake.

<b>Dumadalaw sa bagong dyowa</B><br> Melissa Ricks, linggo-linggong nasa Cebu!

SI JULIA Montes ay nagtakda na yata sa sarili na hindi muna siya mai-in love dahil nga ang focus niya ngayon ay ang pamilya niya at kayod-to-death din siya dahil mataas ang pangarap niya para sa pamilya niya, lalo na’t siya ang tumatayong breadwinner.

Ang nanay ni Julia ay isang deaf at lola lang niya talaga ang maaasahan niya sa lahat ng bagay. Kaya nga at 17, hindi akalain ni Julia na makakapundar agad siya ng bahay at sasakyan, kaya naiintindihan namin kung saan nanggagaling si Julia sa pagiging “manhid” muna sa pag-ibig.

 

MERONG MAMAMATAY sa Walang Hanggan. At meron ding makukulong.

‘Wag n’yo nang alamin kung sino, dahil kahit pilitin n’yo kami ay hindi namin sasabihin sa inyo, dahil kami naman ang pagagalitan. Mawawala rin ang excitement, kaya ang gagah-gagah namin, sana, hindi na lang namin kayo binitin, ‘no?

Hahahaha! Hayaan n’yo na. Gusto lang naming magpasalamat, dahil mula umpisa hanggang ngayon, nananatiling Walang Hanggan ang pagiging number one ng kinababaliwang teleserye sa primetime.

Oh My G!
by Ogie Diaz