Dra. Vicki Belo, takot magsalita?!

ADVERTISING

Dra. Vicki Belo, takot magsalita?!

DUMATING NA SI Dra. Vicki Belo galing Europe pero dedma muna siya sa mga interview. Ang guwapong abugado lang muna niyang si Atty. Adel Tamano ang pinaharap at ‘yun daw ang magsasalita para sa kanya.

ADVERTISING

Nang hinarang ito ng mga reporter sa airport, bongga ang sagot niya tungkol sa pagkadawit sa kasong isinampa ni Katrina Halili. Sabi niya, siya na nga raw ang pinagtaksilan, siya pa ngayon ang nahabla.

Siya ngayon ang itinuturo nina Erik Chua at Dr. Bistek Rosario na may hawak ng master copy ng sex video ni Hayden kaya kailangan niya itong sagutin. Kailangan daw nilang humarap sa DOJ sa June 19 dahil sisimulan na ang imbestigasyon ng kasong ito.

Ang dami na ngayong naglabasang pangalan na sangkot din daw sa sex video ni Hayden. Merong Bea Alonzo, KC Concepcion at si Ruffa Mae Quinto na itinatanggi naman nila.

ADVERTISING

In fairness naman talaga kina KC at Bea, wala akong nakitang ganu’n! Ang isang video daw, ‘yung nakunan daw na mga endorser sa clinic ng Belo Medical Group na kaagad namang itinatanggi ni Dra. Belo. Nagpadala ng statement ang Belo Medical Group kaugnay sa video na nakunan daw kay KC.

“In the light of recent rumors surrounding actress KC Concepcion and the Belo Medical Group, we would like to categorically state that Ms. Concepcion has never visited any of our branches at any time.

“Likewise, we wish to reiterate that the Belo Medical Group has never used any device-whether video or audio-to secretly record the activities of its patients. We challenge anyone to present proof of this absurd allegation, confident that no such evidence exists. There is no logical reason why a business of our size, track record and reputation would ever invest in such a worthless endeavor. More importantly, we value and uphold the privacy of our clients.

“We strongly condemn all those responsible for spreading this harmful gossip.”

Hay naku! Ayoko nang dagdagan ‘to. Ang alam ko naman kasi, hindi si KC ang nakunan ng mga ganu’n sa clinic nila, kundi ang ibang young stars na endorser ng Belo.

‘Yun ay narinig ko lang, ha?! Hindi ko naman nakita, kaya dapat na linawin ito nina Vicki.

Abangan n’yo na lang sa Sabado dahil guest namin si Atty. Tamano para magsalita para kay Vicki, at sinisikap din naming mag-guest sina Atty. Raymund Palad para kay Katrina at si Atty. Lorna Kapunan para naman kay Hayden. ‘Di ba bongga ‘yun? Tingnan na lang natin kung sino ang mas bonggng magtanggol ng kliyente nila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING