Dra. Vicki Belo, itinanggi ang ‘balikan’ nila ni Hayden Kho!

ADVERTISING

Dra. Vicki Belo, itinanggi ang ‘balikan’ nila ni Hayden Kho!

Dra. Vicki Belo, itinanggi ang ‘balikan’ nila ni Hayden Kho!

ADVERTISING

NATIYEMPUHAN NAMIN sa isang event ang pagdating ni Hayden Kho. Ayon pa nga sa organizer, darating din daw si Dra. Vicki Belo sa naturang event dahil pareho nilang kaibigan ang may-ari.

Napaaga si Hayden sa venue at umikot muna siya para usisain ang loob ng resto na kabubukas lang. Tumiyempo kami dala ang crew ng Juicy ng TV5 at malugod namang nagpaunlak ng panayam si Hayden. Inusisa namin sa kanya ang tungkol sa hiwalayan at ang katotohanan pa rin sa kanila ni Nancy Castiglione, pero ayaw magkomento ng ex-boyfriend ni Dra. Belo.

Pinabulaanan naman ni Hayden ang balitang makukuha na niyang muli ang kanyang lisensiya bilang doktor. Wala raw katotohanan ang balitang ‘yun.

ADVERTISING

Sa ngayon, busy raw siya sa kanyang business dahil on expansion na sila at mabibili na raw ang kanyang fragrance line all over the Philippines, dahil nakipag-sanib puwersa ang kanyang kumpanya sa isa pang sikat na brand na may branches sa buong bansa.

 

MGA ISANG oras at kalahati matapos dumating si Hayden, si Dra. Vicki naman ang dumating sa venue, kasama ang kanyang anak na si Cristalle Henares kasama ang boyfriend ng huli na Azkals’ member na si Jason Sabio.

Nababanaag naming medyo maaliwalas namang masaya si Dr. Vicki, pero medyo ilag pa ito sa aming kamera. Nang puma-sok ito sa ve-nue, agad namang lumapit si Hayden at bumeso sa ex-girlfriend.

Hindi nagkaroon ng time na magkakuwentuhan ang dalawa sa dami ng mga lumapit kay Dra. Vicki at nakipag-kuwentuhan.

Hanggang sa nagsimula na ang programa ay hindi talaga nag-uusap ang dalawa. Malayo ang kanilang distansiya sa isa’t isa.

Nagpaunlak ng mahabang panayam si Dr. Vicki at aniya, two months na rin naman simula nang hindi siya nagsalita, kaya pumayag na rin siyang ma-interview ng Paparazzi Showbiz Exposed na ipalalabas bukas, March 31, 1:30 ng hapon.

Ayon pa kay Dr. Belo, “I’m happy and moving on,” at hindi raw totoong nililigawan ulit siya ni Hayden.

Abangan sa Paparazzi ang buong panayam ng dalawa, bukas na ‘yan sa TV5.

 

NAKAKATUWA TALAGANG interbyuhin si Kuya Boy Abunda dahil hindi ka mauubusan ng itatanong sa kanya at siya naman ay masarap sumagot sa mga katanungan dahil talaga namang may laman, at ‘ika nga qoutable para sa mga manunulat.

Kuwento ni Kuya Boy sa amin, malapit na siyang maging doktor ng edukasyon dahil nag-aaral siya ngayon ng Doctorate degree. Kaya nga raw ipinagpaliban niya ang kanyang pagtuturo ng komunikasyon sa isang unibersidad dahil pinagtutuunan niya ng pansin ang kanyang pag-aaral at iba pang mga trabaho at adbokasiya.

Balak daw niyang gawan ng dissertations ang social networking site na Twitter, dahil an’dami raw puwedeng mapag-usapan at mapag-aralan sa nasabing topic. Usong-uso kasi ngayon ang twitter-bashing, na madalas daw mga celebrities ang nakakasagutan ng mga followers.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING