Dos, naka-jackpot kay Janella Salvador

ADVERTISING

Dos, naka-jackpot kay Janella Salvador

Janella-SalvadorTUWANG-TUWA ANG ABS-CBN dahil naka-jackpot na naman sila sa programang Oh My G!. Patuloy na pinag-uusapan ang napakagandang story nito na bago at original. Gaya ng Be Careful With My Heart nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, super-taas din ng rating nito.

Mahuhusay rin ang mga artistang nagsisiganap dito pati na rin ang mga bagets na sina Janella Salvador, Manolo Pedrosa, at Marlo Mortell. Klik na klik ang chemistry ng tambalang Janella at Manolo, ganu’ndin ang Janella-Marlo.

Noong una ay may pressure dahil hindi pa nila subok kung kakagatin ang mga bagong pareha ng mga bagets, subali’t hindi sila nagkamali dahil nagkakagulo na ang mga fans ng dalawang pareha.

Bigla tuloy nawala sa eksena si Julia Barretto na pinintasan ang pag-arte sa Mirabella. Si Janella na ang pinag-uusapan ngayon. Mas mahusay namang hindi hamak si Janella kay Julia at plus factor pang napakaganda ng boses nito. Well, may pinagmanahan naman kasi. Anak lang naman siya ng kapwa singers na sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador.

ADVERTISING

Kayo, kanino kayo? Janella-Manolo or Janella-Marlo? Tsuk!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING