Dos kinakabahan na Piolo Pascual, ‘di pa rin pumipirma ng bagong kontrata!

ADVERTISING

Dos kinakabahan na Piolo Pascual, ‘di pa rin pumipirma ng bagong kontrata!Dos kinakabahan na Piolo Pascual, ‘di pa rin pumipirma ng bagong kontrata!NILAYASAN NA NINA Milagring, Mariposa at Luningning ang Wowowee ni Willie Revillame at nasa bakuran na ito ngayon ng TV5. At ayon sa tatlo, may blessings daw ni Willie at ng dati nilang manager na si Ana Feliciano ang kanilang pag-alis.
Hindi maibigay nina Milagring, Mariposa at Luningning ang tunay na dahilan nang kanilang pag-alis. Pero kung paniniwalaan ang tsika, ang katandaan nila ang dahilan. Higit na mas bata kasi sina April at Aiko na siya ngayong apples of the eye ni Willie.

Sinabi nina Luningning, aminado silang mas bata ngayon ang dancers nina Willie, subalit tumanda man sila ay higit silang mas mukhang bata kumpara sa ibang mananayaw ng komedyante. “Hindi namin itinatangging may edad na kami pero ganito ba ang matanda,”pahayag iyon ni Luningning.
Sa kabilang banda, ang isa pa rin daw sa hindi nagustuhan nina Milagring at Luningning ay sobrang liit ng talent fee na nakukuha nila sa kanilang manager, na feeling ng tatlo, para bang hindi sapat ang ginagawa nilang pagpapakahirap para kumita nang sapat.

ADVERTISING

“Basta ang masasabi ko lang, maraming salamat na lang kay Kuya Willie at Ate Ana (Feliciano).” Pagwawakas ni Milagring na para bang hindi kawalan sa kanilang tatlo kung wala na sila ngayon sa bakuran ng ABS-CBN, dahil may bago na sila ngayong tahanan at ito ay ang TV5 ni Mr. Manny Pangilinan.

HINDI PA NGAYON ang pag-alis ni Alex Gonzaga sa programang Juicy ng TV5, pero huwag na tayong mabigla kung isang araw ay wala na rin siya sa programang dati niyang pinagbibidahan. Dahil ayon sa aming source, mukhang hindi gusto ni Mommy Pinty (ina at manager ni Alex) ang bagong format ng nasabing programa ni Alex.

Kung tatanungin si Alex sa kung ano ang tunay niyang nararamdaman ngayong kasama na nila ni IC Mendoza si Miss Cristy Fermin, isang matamis na ngiti lang ang kanyang sagot. Ayaw magbigay-komento ng aktres sa tunay niyang feelings. Pero ramdam namin na mas masaya siya noon kesa ngayong panghapon na ang kanilang programa ni IC.

ADVERTISING

SPEAKING OF IC, sabay sa agos lang si IC sa kung ano at saan patutungo ang bagong programang Juicy, pero sa maikling pagsasama namin sa nasabing programa, dama namin ang kanyang lungkot hindi lang sa pag-alis namin nina Rey Pumaloy at Pet Ampoloquio, kundi dahil isa na lang siya ngayon sa mga “sahog” ng nasabing talk show.

Malaki ang aming paniniwala na kung minahal ng mga tao ang dating Juicy na napapanood sa umaga, magtatagumpay din ang bagong Juicy sa bago nitong time slot, dahil naririyan at aariba na naman ang tunay na reyna ng mga intriga, si Cristy Fermin.

Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga nakapanood sa amin noong mga panahong kami po ay nasa Juicy pa. Thanks.
VERY CLOSE SI Manny Pangilinan at Dingdong Dantes at ito ang tunay na dahilan kung bakit tatapusin lang ni Dingdong ang kontrata nito sa GMA at lilipat na ito next year sa TV5.

Hindi raw kasi magawang lumipat ni Dong patungong TV5, dahil bukod sa marami pa siyang commitment sa Siyete ay hindi pa tapos ang kanyang kontrata.

Sa kabilang banda, kinakabahan ang Dos kay Piolo Pascual, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin pumipirma ng bagong kontrata ang aktor sa kanyang TV station. Marami tuloy ang nag-iisip na malamang ay magulat na lang tayo isang araw, kasama na ni Ruffa Gutierrez ang aktor sa bago nilang kuwadra.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING