DOS EKIS: Rica Peralejo pinagsisisihan ang pagpapaseksi

MULING nabuhay ang pangalan ng ex-sexy actress na si Rica Peralejo (now Bonifacio) na ngayo’y mas aktibo na bilang isang vlogger sa YouTube. Hindi naman natin maipagkakaila na Rica had a colorful showbiz career.

Starting as a teen star in the iconic show ‘Ang TV’, Rica became one of ABS-CBN’s favorite stars. May mga nagsasabi pa nga na silang dalawa ni Jolina Magdangal ang unang ‘rivals’ in terms of popularity and fans dahil pareho silang maganda, kayang kumanta at sumayaw.

DOS EKIS: Rica Peralejo pinagsisisihan ang pagpapaseksi
Rica Peralejo

Later on ay lumipat ito sa Viva kaya napasama siya sa Saturday teen-oriented show na TGIS. Inamin din niya na nakarelasyon niya ang It’s Cool, Bulol loveteam niya na si Red Sternberg. Sinagot na rin ni Rica ang tanong ng netizens ang katanungan na ‘What made you decide to become a sexy star?’

“Like many things in my life, I really don’t make decisions,” she explained. “What I mean about that is, parang nagfo-flow in and out of things lang ako.”

Noong panahon na iyon, naging trend din among teen stars na mag-crossover to ‘more matured’ roles sa pamamagitan ng pagpapaseksi o paghuhubad sa pelikula. “One way that they saw this happening was if I took on more mature roles.”

“That means I really bared some parts of my body and did some really horrifying, not-so-proud-of things on screen just so we could give something to our producers for a movie,” kuwento ni Rica.

Patuloy niya, “Yung pagsisi ko lang din, what I did caused others to sin, or at least aggravated it or contributed to the defiling of who they were. That’s, of course, heavy on me. Baka kailangan ko lang talaga siya sa sarili kong puso para malaman ko na hindi ako perfect. Also at the same time, it just really highlights the grace of God in my life.”

Inamin din ni Rica na hindi niya talaga nagustuhan ang kanyang buhay sa showbiz at tumagal lamang siya dahil sa pera. “Truth be told, it was really just the money. I didn’t like it. Plus the part that I supported my family for the most part,”

Kahit pa ganito na ang opinyon ni Rica pagdating sa showbiz career niya na nagbigay sa kanya ng pangalan at bumuhay sa kanyang pamilya noong siya ang breadwinner, hindi naman niya tuluyang sinasara ang pintuan for future showbiz projects. “Kung gusto ko yung mga kasama ko, kung kaya na ng mga anak, and kung worth it yung project.”