Doris Bigornia, pinatutsadahan sina Lea Salonga at Blakdyak?

Doris Bigornia, pinatutsadahan sina Lea Salonga at Blakdyak?

Doris-BigorniaMUKHANG PINATUTSADAHAN ni Doris Bigornia sina Lea Salonga at Blakdyak nang sabihan niya si Mr. Richard Lim ng “next time watch a Lea Salonga concert or better yet Blakdyak” na dinig na dinig sa viral video na kumalat recently.

Many people on social media took it to mean na pinalalabas ni Aling Doris na inferior sina Lea at Blakdyak kaysa sa bandang The Script na pinanood niya kamakailan at naging dahilan ng away nila. Naimbiyerna si Mr. Lim sa kanya nang hindi siya nakinig sa pakiusap nito na umupo na para hindi matakpan ang view niya during the concert. Nakiusap ang guy dahil nag-hyperventilate na ang anak niya, pero ang sagot daw ni Doris ay wala siyang pakialam kahit mamatay pa ito.

Kahit na nag-apologize na si Doris kay Richard Lim ay batikos pa rin ang inabot nito.

“Kung ang mga anak niya, walang pasintabi sa pagbigkas ng FU kay Mr. Lim, Wala rin silang modo at mukhang hindi naturuan ni Doris ng magandang asal. Sabagay, mahirap turuan ng magandang asal ang laki sa poso negro.”

“she should have apologized right there when the incident happened, not when all these videos have surfaced. shows how insincere this person is. and the kids!!!!! talagang like the mom. wala talagang breeding mga taong ‘to.”

‘Yan ang dalawa lamang sa reactions na nabasa namin against Doris.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas