Doris Bigornia, nambastos ng isang ina sa isang concert?

Doris Bigornia, nambastos ng isang ina sa isang concert?

Doris-BigorniaDORIS BIGORNIA might find herself in hot water matapos lumabas sa Fashion Pulis ang pambabastos diumano sa isang ina nang tarayan niya ito sa isang concert.

Ang chika, sumugod sa unahan si Doris at ang anak niya nang lumabas na ang international concert artists. Siyempre, naggayahan na rin ang iba. Natakpan ang view ng nasa likod ni Doris at nag-hyperventilate ang anak nito, prompting the poor mom to make pakiusap kay Doris na bumalik na sa kinauupuan.

Isang “wala akong paki kahit mamatay siya dyan” ang naging sagot daw ni Doris. Nagkasagutan pa raw ang dalawa pagkatapos ng concert at marami ang naging saksi sa eksena nila.

True ba ito, Doris? Pakisagot nga!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas