Donny Pangilinan mas gusto ang traditional way ng panliligaw

Leo Bukas

KAHIT maituturing na belong sa Gen Z o Generation Z si Donny Pangilinan ay mas gusto pa rind aw niya ang old fashion way ng panliligaw sa babae.

“Ako po kasi I’m more of a simple guy. Siyempre, Gen Z parang mas gusto ko pa rin yong… hindi naman old school pero yong ginagawa nila dati na nagsusulat ng letters, alam mo yon? Nagpapadala ng flowers or pagkain. Ganu’n lang,” rason ng binatang bida sa kilig serye na He’s Into Her kapartner si Belle Mariano.

Donny Pangilinan mas gusto ang traditional way ng panliligaw
Donny Pangilinan

“More traditional, pero may mix pa rin ng modern,” hirit pa ni Donny.

May reaksyon naman si Belle sa tinuran ni Donny about traditional way of courting.

“I think it goes differently naman for everyone kung paano natin gustong ipakita ‘yong love natin para sa ibang tao or how we want to be pursued.”

Hindi rin itinanggi ng dalaga na gusto rin niya ang traditional way na tinutukoy ni Donny.

Ani Belle, “But for me, personally, same rin siguro — traditional way. Ayoko yong mawala sa atin.”

“Ayoko nu’ng modern na lang na through text,” dagdag pa ni Belle.

Magtatambal sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa He’s Into Her kasama ang iba pang artista gaya nila Kaori Oinuma, Rhys Miguel, Joao Constancia, Criza Taa, Vivoree Esclito, Jeremiah Lisbo, Melizza Jimenez, Sophie Reyes, Ashley del Mundo, Gello Marquez, Dalia Varde, at Limer Veloso.

Mapapanood ito sa Kapamilya Channel simula May 28, 2021.