Donny Pangilinan at Belle Mariano bibida sa bagong Star Cinema movie

MAGBABALIK NA sa mga sinehan ang Star Cinema! Hurray!

Sa kanilang pagbabalik sa big screen ay ang tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano o DonBelle ang napiling buena mano much to the delight of their beloved fans. Ito ang kanilang ikalawang full-length movie matapos ang matagumpay na streaming ng ‘Love is Colorblind’ na ipinalabas noong December 2021.

Donny Pangilinan at Belle Mariano bibida sa bagong Star Cinema movie
Belle Mariano and Donny Pangilinan

Ngayong Miyerkules ay inilabas ng Star Cinema ang teaser poster ng kanilang upcoming DonBelle film kung saan kita ang dalawang aktor with the words: “Quick. Easy. Convenient?”

“Tbh, we missed yah so much! We are definitely back in cinemas this 2022 and we can’t wait to be with you again! Catch @donnypangilinan and @bellemariano02 on the big screen real soon,” tweet ng @starcinema.

Sa ngayon ay napapanood ang fresh loveteam sa second season ng ‘He’s Into Her’. Sila ang tinaguriang “New Gen Phenomenal Love Team” dahil sa tagumpay ng kanilang digital series at madalas na pag-trend online.

Sa pagsabak ng DonBelle sa traditional cinema screening, dito natin masusukat kung ang kanilang fans and followers ba ay willing to spend extra money to support their idols.

Excited na ba kayo sa pagbabalik sa sinehan ng Star Cinema? Long live Pinoy movies!

 

Previous articleBea Alonzo at Jake Cuenca, binalikan ang nakakakilig na nakaraan
Next articleKAHIT MAY BIKINI POSTS: Isyung buntis si AJ Raval, hindi pa rin mamatay-matay