Donnalyn Bartolome, nag-sorry sa kanyang ‘sexy baby’ photoshoot

MAINGAY na naman ang pangalan ng vlogger/actress na si Donnalyn Bartolome dahil sa kanyang birthday photo shoot na may literal ‘sexy baby’ concept.

Nope, hindi siya as in ‘baby’ as ‘sugar baby’, pero baby as in sanggol with matching diapers at gatas. Dahil sa concept nito na para sa ilan ay ‘overboard’ na ay binatikos ito ng mga netizens.

Donnalyn Bartolome, nag-sorry sa kanyang 'sexy baby' photoshoot
Donnalyn Bartolome

Sa kanyang vlog sa YouTube ay sinabi nito na bet niya sorpresahin ang kanyang mga fans and followers sa isang pictorial na may kakaibang concept.

“Contradicting ‘tong shoot na ‘to kasi baby ako sa shoot na ‘to but it’s my actual first daring and sexy photoshoot. Susubukan ko lang kasi maybe it’s time. Nahihiya nga ako eh,” sambit ng dalaga.

Ayon din kay Donnalyn, wala raw siyang photoshoot noong siya’y bata pa kaya naisipan niyang i-push ang konseptong ito ngayong siya ay 28 years old na.

May mga fans na nagustuhan ito, pero karamihan ay binatikos ang kanyang naisip na concept.

Isang concerned netizen ang naging vocal sa kanyang sentiments.

“As a public figure with high algorithmic engagements, you should have been more aware of all your actions. In a broader sense, this is something off and disturbing.

“Portraying babies as hot and mature seems inappropriate. This would actually feed perpetrators’ ego and sexually fantasies,” aniya pa.

Ayon sa isa pang concerned netizen, “This is DISGUSTING. You are a grown woman dressed up as a child posing seductively.”

Knowing Donnalyn’s fanbase, meron ilan na nagtanggol sa kanya.

“Laki naman ng problema neto sa buhay hindi ata to mabubuhay kung hindi mangengelam sa iba,” sambit pa ng Donnalyn defender.

Agad na naglabas ng statement ang dalaga at nag-sorry sa mga nakakita ng kanyang controversial pictorial.

“It was an honest mistake, it was never my intention to enable one of the most horrifying acts here on Earth.

“I couldn’t remove my post right away because I needed it to copyright the photos to prevent the spread of it furthermore until I got a go signal from Facebook and other socmed managers, an assurance that they know I am the owner of the photo and they’ll help me correct this by taking down all of the posts involving this photoshoot.

“You may help us by sending the links of the post of anyone who reposted this for any reason at all. (via message),” sambit pa ng aktres.

Akala raw ni Donnalyn ay ‘light and funny’ ang kanyang concept.

“Almost a million people across socmed platforms thought of it light and funny because they know my personality and didn’t look at it that way hence our initial reaction to the idea was the same.. but upon reading other people’s perspective, I completely agree.”

“I feel terrible, sick to my stomach and had disturbing flashbacks I’d rather not say.

“I was called crazy for being overprotective to all of my siblings, ones I took care of since they were babies.

“It has come to the point where I had to go to a psych to understand my actions because the level of protectiveness was quite extreme, all I’m saying is I’ve taken care of children since I was 11 years old, this was the last thing I would ever intend to do,” aniya pa.

“Thank you to everyone who let me know, especially those who did it so kindly, you’re the type of people who help me become a better person everyday as I hold the responsibility of influencing millions. It’s not easy.. but I’ll do my best.

“While you’re here. I’d like to use this attention for  those who want to help abused children.. There is a care-facility I was admitted in when I was a minor: Nayon ng Kabataan.

“The children admitted there carry so much pain, you can donate or send them little gifts to make them feel better. Thanks everyone and I’m sorry,” lahad pa ni Donnalyn.

Dahil sa paghingi ng tawad ng dalaga ay nagpasalamat ang ilang netizens sa kanya na in-acknowledge niya ang kanyang pagkakamali.

Post ng isang netizen, “Thank you Donnalyn for being open minded and accepting others opinion about your photoshoot concept. I was stunned by your actions, the way you address the issue. May you continue to surround yourself with people who knows better. Sa ibang tao naman na ng gagaslight pa tapos na nga, point taken, action was done, apology was said lets all move forward and make this world a better earth for our future generations.”.

Nawa’y magsilbi itong leksyon sa mga social media influencers na maging cautious pagdating sa pagpost ng mga sensitibong konsepto.

Teka…. wala na ba sa Viva si Donnalyn? Matagal-tagal na natin siya hindi napapanood sa isang Viva project ah…

Previous articleVLOG WATCH: Solenn Heussaff bakes cupcakes with daughter Tali (so cute!)
Next articleBelle Mariano, nakapasok sa Goin’ Bulilit kahit hindi nag-audition