Donita Rose, usap-usapang hiwalay na sa asawa

Donita Rose, usap-usapang hiwalay na sa asawa

Donita-RosePINAG-UUSAPAN NA ngayon ang isyung hiwalay na raw si Donita Rose sa asawa niyang si Eric Villarama.

Sa totoo lang, noon pa ‘yan kumalat ang balita, pero itinanggi ito ni Donita.

Nu’ng nagsimula pa lang ang Basta Everyday Happy, pinag-uusapan na ‘yan, pero itinanggi ito ng actress/TV host.

Ilang beses nga siya nu’n nag-guest co-host sa amin, hindi ito napag-usapan dahil hindi naman daw ito isyu, sabi ni Donita.

Pero ngayon, iba na ang kuwento. Inamin na niya ngayon na may problema sila ng asawa niya, pero hindi pa niya kinukumpirmang hiwalay na sila.

May presscon kagabi sa bagong drama series niyang Let The Love Begin, at malamang isa ‘yan sa kinulit sa kanya.

Abangan n’yo na lang sa Startalk bukas ang kuwentong ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis