Donita Rose, mahal pa rin ang asawa

Donita Rose, mahal pa rin ang asawa

Donita-RoseHINDI RAW isinasara ni Donita Rose ang kanyang pinto sa posibilidad na magkaayos pa sila ng asawa niyang si Eric Villarama.

“I believe in the power of restoration. Wala namang hindi puwede o hindi kayang gawin ang Diyos,” aniya nga.

May love pa ba siyang nararamdaman for her husband?

“Oo naman. Sobra! But… I can’t talk about my personal problems or what we’re going through right now. Kasi I don’t know what’s going on. So, if I don’t know and if I tell you what’s happening parang uunahan ko ‘yong nangyayari.”

Magaling siyang magdala ng problema dahil hindi halata na may pinagdadaanan siya right now. Masigla pa rin siya at palangiti.

“Buo naman ang pagkatao ko kahit walang asawa, e. Para sa akin mali ‘yong saying na… you complete me. Kasi if the person completes you and then nagkaroon ng problema, mahihirapan ka. But naniniwala naman nga ako na kung anuman ‘yong pagsubok na pinagdaraanan mo, parang may purpose ‘yon, e. In other words kapag may nangyayari sa akin, I always ask God… Lord ano ‘yong itinuturo ninyo sa akin? Ano ba ang dapat kong baguhin para hindi masayang ‘yong pinagdaanan ko? Kasi if you look in the Bible, lahat ng mga characters doon na may pinagdadaanan, God was doing something with them, e. May tsini-change Siya. So, I always ask… Lord what are you teaching me?”

Isa raw sa rason kung bakit tuloy lang ang buhay para sa kanya ay ang kaisa-isang anak niya kay Eric na si JP (Joshua Paul Villarama).

“He’s ten years old at siya ang laging kasama ko. Parang PA (personal assistant ko nga siya, e!” biro pa ni Donita.

Balik sa pag-aartista ngayon si Donita. Kasama siya sa cast ng bagong serye ng GMA 7 na Let The Love Begin na launching project ng magka-loveteam na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan