Donita Rose, big boss ang nakabangga kaya natsugi

ADVERTISING

Donita Rose, big boss ang nakabangga kaya natsugi

Donita-RoseIS IT true na sa paglisan ni Donita Rose sa morning show ng ABS-CBN, nagkaroon siya ng problema with the “big boss” ng News and Current Affairs Department kaya siya biglang nawala sa show tulad sa pagkawala nina Iya Villania at Ogie Diaz noon?

Sa kanyang pagbabalik sa telebisyon simula ngayong umaga via Basta Everyday Happy, mas pinili ng dating VJ ang Kapuso Network kaysa bumalik sa dating tahanan before she left for the US?

Almost more than a year ding nawala sa eksena si Donita. Sa Amerika, kasama ang mister na Singaporean American, para may magawa at i-develop pa ang sarili, nag-aral siya ng culinary course na sa bagong ihahain na putahe ng GMA 7, bago mag-Ryzza Mae Show, kasama sina Gladys Reyes, Alessandra De Rossi at Chef Boy Logro, magpapasiklab siya ng kanyang natutunan sa culinary school.

Malamang riot ang bagong show na ito sa pagbabalik ni Donita sa eksena. With Gladys and Alex na dalawa sa super tsikadorang showbiz personalities at ang masa appeal ni Chef Boy, I’m sure this will be a habit for me before ako manood ng Be Careful With My Heart sa Kapamilya Network naman.

ADVERTISING

‘Pag nagkita kami ni Donita, we will ask her kung kumusta na ang napabalitang misunderstanding nila ni Maria Ressa (dating CNN Correspondent ) na noo’y head ng News and Current Affairs.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING