Dominique Cojuangco, itinanggi si Enchong Dee

ADVERTISING

Dominique Cojuangco, itinanggi si Enchong Dee

Dominique-CojuangcoIKINAGULAT NG anak nina Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco na si Dominique Cojuangco ang balitang tungkol sa pagkakamabutihan daw nila ni Enchong Dee.

Isang matigas na “No!” ang nasabi ng dalaga ni Gretta sa naturang tsismis na mayroon silang  romantic relationship ni Enchong.

Paglilinaw pa ni Dominique, magkaibigan lang daw sila ni Enchong at nakita lang niya ito last February.

Kahit daw may communication sila ay wala na raw iba pang namamagitan sa kanila kundi ang pagiging magkaibigan.

ADVERTISING

Ayon sa dalaga ni Gretta, wala siyang boyfriend ngayon at lalong ayaw pa raw niyang magpaligaw dahil gusto niyang magtapos muna ng pag-aaral sa London.

Nasa London na uli ngayon si Dominique matapos ang launching ng kanyang inindorsong produkto.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING