Dominic Ochoa, patok sa mga bata ang pagiging super hero

ADVERTISING

Dominic Ochoa, patok sa mga bata ang pagiging super hero

Dominic Ochoa with Sylvia Sanchez
Dominic Ochoa with Sylvia Sanchez

Maganda ang timpla sa amin ng bagong pantaserye ng Dreamscape Entertainment na “My Super D” na magsisimula na bukas bago mag-TV Patrol.

ADVERTISING

Sa advance screening ng palabas last Friday sa Dolphy’s Theater sa ABS-CBN, nag-imbita ang produksyon ng mga anak ng mga artista na kasama sa serye para makuha ang instant reaction ng target audience ng bagong serye na pinagbibidahan ni Dominic Ocho, Bianca Manalo, Noni Buencamino, at Sylvia Sanchez .

Kaya nga when we arrived at the venue, akala ko children’s party ang dinaluhan ko dahil sa bawat sulok ng garden area ng Dolphy’s Theater, puro mga bata na kasama ang mga nanay o tatay nila ang makikita mo.

Kaya nga during the advance screening, tahimik ang lahat habang pinanonood ng mga imbitado ang first week episodes ng palabas.

ADVERTISING

Tahimik. Walang imikan. Akala ko nga, ang mga batang malilikot na nauna kong nakita sa labas ay makikigulo, mag-iingay, at makadi-distract sa panonood ko. Pero mali pala. Nagkamali ako sa assessment sa mga bata na habang gumagawa ng eksena si Super D ay tutok na tutok sa kanilang pinapanood.

Walang imikan. Lahat intereresado sa bagong super hero nila.

Yes, pasado sa Pinoy kids ang bagong serye ng Kapamilya Network na “My Super D”.

Kung si “Juan dela Cruz” ay patok sa panlasa ng mga batang Pinoy, after watching “My Super D” sa first week episodes nito, alam mong klik na naman ito sa mga bata. May bago silang super hero.

Yes, I know na hindi si Batman or si Superman or even si Captain America ang magpapataob sa interest ng mga bata kay Super D.

In fairness, magaling si Dominic Ochoa (with his kind of humor) at si Sylvia Sanchez who plays mother to Dominic. Si Marvin Agustin, aliw sa amin ang karater niya na ka-love triangle naman ni Dominic kay Bianca.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING