Dominic Ochoa, masaya na naabot ng kaibigang si Marvin Agustin

Dominic Ochoa, masaya na naabot ng kaibigang si Marvin Agustin

Marvin Agustin and Dominic Ochoa
Marvin Agustin and Dominic Ochoa

Actor Dominic Ochoa welcomes the idea of working with his bestfriend Marvin Agustin again.

“I’m just thankful na tinanggap niya. It’s been almost ten years na kaming huling nagkatrabaho. Okay pa rin na nagkasama kami. Wala namang pinagbago,” say ng actor who’s playing a superhero in  Dreamscape Entertainment Television’s “My Super D”.

The last time they worked with was ten years ago sa “Whattamen”, a sitcom which also starred the late Rico Yan.

“I’m very happy for him. Alam mo si Marvin, hindi ka magtataka na umabot siya sa ganyan, kasi si Marvin very hardworking, aligaga ‘yan, eh, ever since. Ito lang masasabi ko, his hard work paid off. Kahit daddy ko, tinatanungan niyan kaya nu’ng mamatay ang daddy ko, nandodoon ‘yan,” he shared about Marvin’s success as restaurateur.

They were so close that “every birthday niya ay nandodoon kami. Hindi naman mawawala ‘yun, eh, ‘yung pagkakaibigan namin, hindi mo na maaalis ‘yun. Kapag tunay mong kaibigan kahit matagal na kayong hindi nagkikita, once you see each other (ay friends pa rin kayo). At saka noong burol ng tatay ko, nandoon siya araw-araw.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas