Dolphy, nagpatutsada sa ibang komedyante! – Ronnie Carrasco

Dolphy, nagpatutsada sa ibang komedyante! - Ronnie Carrasco

Dolphy, nagpatutsada sa ibang komedyante! - Ronnie CarrascoNGAYON ANG KAARAWAN ng tinaguriang King of Talk, si Boy Abunda.  Batiin n’yo na lang siya, but never dare ask his age dahil classified information ‘yon, probably not even the National Statistics Office (NSO) has a record of it.

But more than a crownless, capeless and scepterless king in his turf, Boy Abunda is all sorts: si “ama” kung tawagin ng mga alaga, si “tito” to the young breed of stars, at si “Kuya Boy” as I’ve always addressed him with all due respect and admiration, even bordering on hero worship.

Sa inyo po, Kuya Boy, hapi bertdey po. Mas dumami po sana ang mga blessing n’yo.

[ad#post-ad-box]

KAPANSIN-PANSIN ANG  MAGKAPAREHONG set-up sa interview kay Dolphy para sa 14th anniversary ng Bubble Gang at sa Cool Center, wala rin kasing ipinagbago ang background.

Siyempre, binati ni Tito Dolphy ang BG on its ivory year;  ang canine mascot naman ng CC na si Arf Arf  ang nag-interbyu sa kanya. Pero huwag na ang tuhog VTR interview na ‘yon ang gawing isyu, kundi ang payo ng Hari ng Komedya sa mga nakababatang komedyante: that is, ang huwag umastang mayabang.

Ayokong isipin na may direktang pinatutungkulan si Tito Dolphy  pero kung ikaw ay isang discerning viewer, no one else could come close to it kundi si Willie Revillame! Pero teka, hindi ba’t chummy-chummy sina Tito Dolphy at Willie?

REKLAMO NAMAN HERE and there ang nagkakaisang sentimyento ng entertainment press sa idinaos na fashion week sa SM Mall of Asia kung saan isa sa mga nag-participate na clothing line ay ang Bench.

Ilang beses nang sumablay ang PR staff nito na kadalasan led by a certain Lawrence, nakapagtatakang he’s still holding on to his position which he doesn’t rightfully deserve! Sumisikat tuloy ang Bench, hindi dahil sa product line nito, kundi sa ilang taong itinatalaga ng mismong may-ari na mukhang walang kamalay-malay how the press is being shabbily treated!

If we may have any consolation, naaliw lang ang dumalong press sa bagong endorser nitong si Andrei, Jomari Yllana and Aiko Melendez’ 13-year old son. Lalo pang na-aliw ang press nang karay-karayin ni Aiko ang kanyang anak by Martin Jickain na si Marthena.

Say nga ng kaibigang Gorgy Rula (one of the disgusted members of the press  na nahimasmasan lang sa star potential ng dalawang anak ni Aiko): “Naku, may future si Andrei! Artistahin talaga ang dating. At si Marthena, naku, ang sarap pagkukurut-kurutin nu’ng bagets, ang cute-cute!”

Andrei by Jomari. Marthen by Martin. Kung lalaki, Patrick Jr; kung babae, Patricia by Patrick Meneses. Either which, a mix of showbiz and political blood will run through the child’s veins.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III