“Dolce Amore” nina Liza Soberano at Enrique Gil, pinabagsak daw ng “Encantadia”

ADVERTISING

“Dolce Amore” nina Liza Soberano at Enrique Gil, pinabagsak daw ng “Encantadia”

Liza Soberano & Enrique Gil
Liza Soberano & Enrique Gil

Na-bash nang husto si Suzette Doctolero, headwriter of GMA-7’s starlet-infested fantaseryeng hindi nagre-rate.

Kasi naman, parang sinabi niyang kaya raw nagtapos na ang “Dolce Amore” ay dahil napabagsak ito ng fantaserye nila.

Ano raw? Dream on.

Isa pa, ang alam namin ay ang “FPJ’s Ang Probinsiyano” ni Coco Martin ang katapat ng starlet-studded fantaserye ng Siyete, ‘no!

ADVERTISING

Hindi rin naman nagpaawat si Suzette na sumagot sa kanyang Twitter account.

“Ok lang. past time ko laitin ang loser na ‘yan.”

“Ang sarap maging troll lol. Ako ang isang ungas bait.”

‘Yan ang say niya.

Sa comment section ng isang popular website, bash ang inabot ni Suzette.

“Pinakabastos at mayabang na writer ng GMA! #fact.”

“Pikon naman nito. Ignore na lang kasi… #Patola.”

“Eh kung sana pagpapaganda ng kwento ng mga shows niya ang inaatupag niya eh di may napala pa si Madam Suzi.”

“Maganda talaga ang story ng shows niya. Yun nga lang yung galing niya as a writer mej hindi nagreflect sa tweets niya.”

Ayan tuloy ang napala mo, Suzette. Bakit kasi hindi mo na lang itaas ang show mo, hindi ‘yung nagpapatutsada ka pa sa show ng kabilang network.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING