Dobleng b-day party sa Music 21!

NAGING TRADISYON NA namin ni Fernan Sucalit na i-celebrate ang aming Double Birthday Party sa Music 21, na nangyari nga ulit last June19, sa piling ng mga mahal naming kaibigan sa showbiz. Hindi naging hadlang ang malakas na ulan para personal ka-ming i-greet ng aming mga tunay na friends in the industry.

Hindi kami binigo nina Direk Cathy Garcia-Molina at KC Concepcion (Forever and A Day) sa aming imbitasyon. Kasama ni KC na dumating ang boyfriend niyang si Piolo Pascual. Nagkagulo ang mga tao sa loob ng Music 21 sa pagdating nila. Lalong nagbigay-kulay sa aming okasyon ang presence ng dalawa. Super sweet sa isa’t isa sina KC at Papa P., they are really perfect for each other. Wish nga ni Direk Cathy, sa kanya ibigay ng Star Cinema ang unang pagtatambal ng real life sweethearts na sina KC at PJ.

Thanks to Richard Pinlac at Ronnie Carrasco bilang emcee ng gabing ‘yun. Halos lahat ng guests ay nagbigay ng kani-kanilang awitin tulad ni Direk Cathy, Marc, Nyoy Volante, Renzo Cruz, Cyrus Imperial, Pilar Mateo, Ricky Calderon, Roland Lerum, Mario Hernando, Ernie Enrile, Richard P. at Ronnie C. Nag-solo dance number naman ang Dancing Diva na si Ms. Cynthia Sol.

Siyempre, naging kumpleto ang gabi namin sa pagdating nina Chuck Gomez, Aaron Domingo, Sheila Queto, Roda Yoyah Quizan, Dani Flores, George Vail Kabristante at John James Uy kasama ang bagong girlfriend na super model.

Sa aming mga kaibigan, taos puso po kaming nagpapasalamat ni Fernan sa lahat ng suportang ibinibigay ninyo sa amin and of course, kay Alex (Music21) na siyang nag-prepare ng mga delicious foods for that night. Thank you so much din kay Allan Sancon para sa isang napakagandang audio-visual presentation na ginawa niya para sa amin ni Fernan.

See you next year…

Photos by Steve Loverez

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleBianca King, kumokontra-bida pa rin!
Next articlePangongotong sa Commonwealth Avenue

No posts to display