Do you want me to Burn?

ADVERTISING

SA NAKARAANG EPISODE ng Paparazzi sa TV5, nagtanong si Tita Cristy Fermin kung ano ang masasabi ng DJ cum TV host na si Mr. Fu sa isang insidente kung saan ay sinunog ni PBB Double Up Grand Winner na si Melai Cantiveros ang picture nito as part daw ng segment ng Banana Split tungkol sa mga bagay-bagay na gustong iwan sa 2010. Maayos namang ipinahayag ni Mr. Fu ang kanyang saloobin hinggil sa isyu ng panununog sa kanyang magandang picture. Wala naman daw ginagawang masama ang DJ-TV host sa baguhang komedyana para gawin nito ang nasabing burning activity. Kaya ang nasabi na lang nito, ‘di niya ‘yun gagawin kay Melai at no one deserves that sabay sabing Happy New Year. Taray! ‘yan dapat ang attitude at huwag padadala sa kanegahan ng iba, duhba? Period. Samantala may mga pahabol na pasaring pa yata ang dalawa sa isa’t isa.

Photos by Luz Candaba & Parazzi Wires

ADVERTISING

By MK Caguingin

Do you want me to Burn?Parazzi Chikka
Parazzi News Service

ADVERTISING