DJ Mo Twister, tinawag na baboy ang isang reporter – Ambet Nabus

ADVERTISING

DJ Mo Twister, tinawag na baboy ang isang reporter – Ambet Nabus

PINANININDIGAN NA YATA ni DJ Mo ang kanyang pagiging papansin sa showbiz. Halos linggo-linggo na lang yata kasi ay may parang sinasadya itong saktan for the obvious reason na wala naman ng sumeseryoso sa kanya.

ADVERTISING

Last week ay si Rufa Mae Quinto ang muling nakabangga nito ng walang kaabog-abog nitong i-tsismis sa kanyang blog na syota ito ni Mikey Arroyo. In fact, last Sunday ay no show ang sexy actress sa programa nila dahil sinabi niya talagang ‘sobra na’ ang kataklesan ng pakontrobersyal na trying hard showbiz host. Tapos nabalitaan nga namin ang pamemersonal nito kay kaibigang Jun Lalin na tinawag naman niyang ‘baboy.’

Just wondering kung bakit patuloy itong pinagtitiyagaan ng GMA-7 gayung hindi naman ito asset sa Showbiz Central at kahit na sa istasyon dahil sa totoo lang mukhang siya yata itong pinakain ng maraming ‘ari’ ng baboy kaya’t parang tangkal ang bunganga nito sa pagbabanat at pagtawag ng kung anu-ano sa maisipan niyang kantiin. ‘Di ba ganu’n ang sabi ng mga lolo’t lola natin?

O baka naman hanggang ngayon ay ito ang paboritong kainin ni DJ Mo kaya’t kinakarir na niya ang pagiging salaula?

ADVERTISING

Kris Aquino, pahinga muna sa pagiging taklesa?

IYAN ANG MEDYO pagkakaiba nila ni Kris Aquino.

Kahit papaano ay maagang na-establish ni Tetay ang kanyang pagiging taklesa, kaya’t nahahati kahit papaano ang simpatiya ng mga tao sa kanya. May mga naaaliw lang, may mga naiinis naman. If that would spell a big difference come 2010, iyan ang ating aabangan.

Sa ngayon ay medyo mananahimik ang kampo ni Senador Aquino dahil balitang matagal na magbabakasyon si Tetay kasama sina James at mga anak sa abroad.

Si Kris nga lang kasi ang nagbibigay ng mga kakaibang tsika tungkol kay Noynoy. At dahil wala siya, asahan nating mababawasan if not mawawala pansamantala ang interes ng ilan tungkol kay Senator Noynoy Aquino.

Kaya ang tanong, asset ba o liability si Kris sa nag-aambisyong kapatid?

Aljur Abrenica at Kris Bernal, mag-MU?!

AND SPEAKING OF ambisyon, tila ito ang latest conquest ngayon nina Kris Bernal at Aljur Abrenica na tahasang umamin na sila nga’y mag-MU na at nagsasabihan na ng ‘I love you.’

Hindi man nila direktang sinabi na may mga display of affection na sila off-camera gaya ng kissing, eh, sa pahayag na kanilang binitawan sa presscon ng Nandito Ako…..Nagmamahal sa Iyo, obvious ang sagot.

Kung nagawa nga naman nilang maghalikan ng ten minutes with all those cameras and crew na kumukuha sa kanila sa nasabing pelikula, paano pa raw kaya sa totoong buhay?

Well, mukhang genuine naman ang pagtitinginan nila at pagkakaroon ng mutual understanding. Ayaw nga lang nilang mag-commit sa isa’t-isa dahil ambisyon nilang maging certified hot love team sa showbiz.

Ipapalabas na sa Sept. 30 ang Nandito Ako… Nagmamahal Sa Iyo, under Regal Entertainment sa direksyon ni Maryo J. de los Reyes.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

ADVERTISING