DJ Loonyo nabigyan ng negosyo, bahay at lupa ang kapamilya sa probinsya

Leo Bukas

NAKAIPON NA nang sapat na pera ang controversial dancer-choreographer na si DJ Loonyo para mabigyan ng bahay at lupa ang kanyang mga magulang sa probinsya.

Nagre-renta lang dati ng apartment ang pamilya ni DJ Loonyo dahil nawala ang naipundar na bahay ng kanilang mga magulang nung magkabaun-baon sila sa utang dahil sa pagpapagamot ng kanilang yumaong ama.

DJ Loonyo nabigyan ng negosyo, bahay at lupa ang kapamilya sa probinsya
DJ Loonyo

Bukod sa house and lot ay nabigyan din ng negosyong ni DJ Loonyo ang kanyang pamilya

Ani DJ Loonyo sa kanyang Facebook post, “Eto yung naging hugot ko last year at sa awa ng DIYOS, biniyayaan niya ako ng platform at responsibilidad as DJ LOONYO na nagbigay tuwa at saya simula last year dahil sa mga dance challenges na ginawa ko sa China.

“Nagkaroon ng maraming biyaya at ito’y inipon ko para makabili ng lupa at makapagpatayo ng bahay para sa pamilya ko. Talagang trabaho kung trabaho kahit nagkakasakit at patuloy pa din sa pangangarap.”

Masaya ring pinasalamatan ng sikatna Tiktokirist ang kanyang kapatid na tumutulong at sumusuporta sa lahat ng kanyang mga ginagawa.

“Ngayon, sabi ko gagawa ako ng business para sa pamilya ko, at NAGPAPASALAMAT AKO SOBRA KASE ANDUN ANG KUYA KO para i-manage at talagang tulungan ako sa business na yun.

“Dahil pina-retire ko si mama, pinagdasal ko na bigyan sila ng business para dun na makukuha lahat ng mga gastusin at iba pa,” lahad ni DJ.

Mensahe naman niya sa ina na nagtatrabaho dati bilang midwife, “Ma, eto na. Maliit man ngayon pero naniniwala ako na lalaki at dadami pa to balang araw. Know that mahal na mahal kita ma at IKAW ANG ISA SA MGA PINAKAMATIBAY NA INSPIRASYON KO.”