DJ Jhaiho, kinuyog ng fans ni Kathryn Bernardo

DJ Jhaiho, kinuyog ng fans ni Kathryn Bernardo

DJ Jhaiho
DJ Jhaiho

Dahil lang sa isang simpleng tweet ay kinuyog si DJ Jhaiho ng fans ni Kathryn Bernardo.

“Sa nakikita kong Boracay pics ni Kathryn Bernardo feeling ko bongga siyang mag Darna!”

“KathrynBernardo For Darna

‘Yan ang magkasunod na tweet ni DJ Jhaiho na ikinagalit nang husto ng ilang Kathryn fans.

“Feeling ko papayag naman si DJ kasi Iconic ang role na Darna. Hindi basta basta at iba pag naging Darna ang isang babaeng artista!”

“Nasabi ko lang naman dahil sa nakita ko mga pics nila sa Boracay ang ganda ng body ni Kath. Nagbunga ang pag gygym niya ng bonggels!”

‘Yan ang explanation ni DJ Jhaiho, pero hindi ito pinansin ng galit na galit na fans. May nagtaray at may nagmura pa sa kanya sa Twitter.

“tumigil ka nga may serye na uli sya w dj. may masabi klng talaga e no? famewhore shut up nlng.”

“jan ka magaling! Gustong gusto niyo laging binabash si kath, dumadami bashers dhil sa mga post mo. Utak nman please.”

“HINDI KO TALAGA ALAM BAKIT INAALAGAAN KA NG FORD EH WALA KANG IBANG ALAM KUNDI MANIRA TANGINA KA @mor1019jhaiho.”

Ayaw magpatalo, nag-react si DJ Jhaiho and said, “Kung di nyo bet edi hindi. Ako ba mag dedecide? Ako ba magproproduce? sakin lang wala pang napipili base sa boracay pics niya kya ko nsbi.”

“Hahahaha! Imbes ma beastmode ako mas naisip ko lang ako maswerte kasi nakakasama ko anytime and almost everyday sila. Hahaha

“Hahahahahaha! Grabe no kakaloka ang mga mamaru! mamarunong at mamaga! Mamagaling. Last tweet for today about dito. Again di ako beastmode,” magkasunod pa niyang tweet.

Oo nga naman. Why pick up a fight with DJ Jhaiho, eh, wala naman siyang sinabing masama.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas