DJ Durano, walang regret sa naging relasyon kay Direk Wenn Deramas

ADVERTISING

DJ Durano, walang regret sa naging relasyon kay Direk Wenn Deramas

DJ-DuranoMARAMING HIMUTOK si DJ Durano, isa sa mga bida sa Moron 5.2 ng Viva Films, tungkol sa estado ng naging relasyon nila ni Direk Wenn Deramas, na direktor din ng pelikula.

Bakit daw siya na lang palagi ang naiisyu tungkol sa man to gay relationship ganu’ng marami rin naman ang gumagawa nito sa showbiz. Idinagdag pa ng aktor na dekada na tumagal ang relasyon nila ni Direk Wenn at wala siyang regret sa nangyari.

“Mula pa noon sa Teysi Ng Tahanan, writer pa lang si Direk Wenn noon ay isinasama na niya ako sa raket hanggang nagtuluy-tuloy na. Wala akong pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko sa buhay at sa pagiging malapit ko sa kanya,” katwiran pa niya.

Nagbanggit pa si DJ ng ilang aktor na sa tingin niya ay pumapatol din sa mga bading na direktor at TV executives kaya lang siyempre, ipina-off the record na lang niya ito kaya hindi na rin namin isusulat kung sinu-sino sila.

ADVERTISING

“Bakit kasi parang ang sama-sama ko, na sa akin sila nanggalaiti porke inamin ko ‘yung tungkol sa amin ni Direk Wenn. Marami rin naman diyan na nakikipagrelasyon din sa gay,” hirit pa niya.

Sa ngayon ay tapos na raw ng relasyon nila ni Direk Wenn at meron na siyang girlfriend. Ipinagpapasalamat daw niya nang malaki ang pagtulong sa kanya ng direktor hanggang ngayon kahit wala na silang intimate na relasyon.

“Natutuwa ako na naiintindihan niya ang naging desisyon ko at nirespeto niya ako bilang tao. Mataas ang respeto ko sa kanya at forever akong magiging grateful sa kanya,” sambit pa ni DJ.

Kasama nga pala ni DJ sa Moron 5.2 sina John Lapus, Luis Manzano, Matteo Guidicelli, Marvin Agustin at Billy Crawford. Showing na ito sa November 4.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING