DJ Durano, pinairal na naman ang kalandian

ADVERTISING

DJ Durano, pinairal na naman ang kalandian

DJ-DuranoSAAN KA naman nakakita na ang limang magbabarkadang barako, ‘yung kani-kanilang mga anak ay idinedenay na sila ang ama? Idinedenay sila kasi kilala ngang mga bobo ang kanilang ama, tapos, silang mga anak ay napakatatalino, kaya nu’ng tinanong sila, “Hindi ko tatay ‘yan, ah?”

Ang sakit no’n para sa isang ama. Pero ‘yun ang katotohananang dapat nilang tanggapin, dahil kahit gaano sila kagagandang lalaki, kung puro naman kapalpakan, katangahan at kabobohan ang mga kaganapan sa buhay nila, eh sino ba namang anak ang ipagmamalaki sila, ‘di ba?

Pero ‘wag kayong mag-alala, dahil nangyari naman ang mga eksenang ‘yon sa Moron 5.2 ng Viva Films na showing na sa November 5. Malalaman n’yo rin naman na ang kanilang kabobohanan ay may kabayanihan din namang “nagawa”. ‘Yun ang gustong patunayan nina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, DJ Durano at Matteo Guidicelli, lalo na ni Direk Wenn Deramas.

 

ADVERTISING

“MAHAROT” PA rin itong si DJ Durano, huh! Kasi, after the presscon ay nagkaroon ng one-on-one interview sa mga artistang gusto pang makausap ng mga reporter. Itong si DJ Durano, porke alam niyang mga katsika niya ang mga kakausap sa kanyang reporter, aba’y pinairal na naman ang “kalandian”.

Nakakalokah, ibinaba niya nang bahagya ang kanyang pantalon para ipakita ang kanyang pubic hair, hahahahaha!

Tapos, ang pakiusap niya, “Tigilan na sana ‘yung sa amin ni Direk Wenn. Tapos na ‘yon, inamin ko naman, so that’s it. Move on na tayo, dahil kawawa naman ang anak ko, tinutukso ng mga kaibigan.”

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING