DJ Durano, balak nang pakasalan ang non-showbiz gf

ADVERTISING

DJ Durano, balak nang pakasalan ang non-showbiz gf

DJ-DuranoMAY PLANO na palang magpakasal si DJ Durano sa non-showbiz girlfriend niya anytime soon.
Hindi lang nabanggit sa amin ni DJ during the presscon of Moron 5.2 The Transformation kung kailan magaganap ang kasalan.

Bukod sa planong pagpapakasal, balak din ni DJ na tumakbong mayor sa lugar nila sa Cebu. Sikat na sikat sa Cebu ang Durano’s clan at ayon sa kanya, gusto rin niyang maging public servant.

Isa sa maimpluwensiyang political clan ang pamilya ng mga Durano sa Cebu at maaaring dito rin niya namana ang intensyong maglingkod sa kanyang mga kababayan. We also learned na malaki rin ang magagawa ng current girlfriend niya sa kanyang political ambition, huh!

Tungkol naman sa pagiging “magkaibigan” nila ni Wenn Deramas, direktor ng Moron 5.2, ayon kay DJ, sobrang ipinagpapasalamat niya na hanggang ngayon ay tinutulungan pa rin siya ng direktor.

ADVERTISING

Sey naman ni Direk Wenn, “mananatili ang pagkakaibigan namin ni DJ hanggang kamatayan.”

Kasama ni DJ sa Moron 5.2 na showing na sa Nov. 5 sina sina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin at Matteo Guidicelli.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING