Divine Lee at Victor Basa, split na after 6 years na mag-live in

Divine Lee at Victor Basa, split na after 6 years na mag-live in

Victor-Basa-Divine-LeeSAYANG AT split na officially ang model-TV host na si Divine Lee at ang longtime live-in partner niya (for six years nga ba?) at “soulmate” na si Victor Basa na ang tawag niya ay “V”.

Nagulat na lang kami sa balita na nababasa namin sa mga society gossip blogs na ipinagpalit ni Divine si V sa isang chef. Sa isang interview kay Divine na nabasa namin, boredom daw ang dahilan ng hiwalayan nilang dalawa.

Ang alam ko, compatible naman sila dahil very cool si V at nasasakyan niya ang pagigig outgoing ng dating girlfriend. I just don’t know kung anong klaseng boredom ag tinutukoy ni Divine sa dating boyfriend, gayong si Divine mismo ay puring-puri ang dating BF na former model-endorser and at the same time ay editorial consultant ng isang English men’s magazine.

Ang ipinagpalit ni Divine kay V ay isang chef na kilala ang reputasyon (I don’t know kung good or bad) sa single bars na hang-out ng mga beks like O Bar at Bed.

Naghihinayang kami dahil six years of loving and living in is not a joke.

Reyted K
By RK VillaCorta