Divine Lee, engaged na sa businessman na si Blake Go

ADVERTISING

Divine Lee, engaged na sa businessman na si Blake Go

Divine Lee & Blake Go
Divine Lee & Blake Go

A lovely couple na alam ko na super happy si girl sa kaganapan ng lovelife niya lalo pa’t naganap na ang wedding proposal ng boyfie niya na si Blake Go last night sa Bali, Indonesia ay itong model-celerity host na si Divine Lee.

Nasa Bali sila para dumalo sa kasal ng kaibigan nila. Walang hint si Divine na last night na may special event na magaganap sa buhay niya.

“He booked a private dinner. Akala ko wala lang kasi mahilig naman siyang mag-surprise,” IG chat namin ni Divine this morning.

Hindi akalain ng dalaga may ganap pala na mangyayari kagabi.

ADVERTISING

“Pero he told out friends na pala here (in Bali),” pagsasalaysay pa ng dalaga na as of presstime ay nandu’n pa rin sila at on vacation mode.

Yes! Fashion model-celebrity host Divine Lee and cutie businessman and an Oxford graduate with honors are next in line na haharap sa altar.

Schoolmate pala sa Thames sina Divine at Blake, pero when they were in school, never naman daw silang magkatsika.

“We were’nt even talking in college,” tsika pa ni Divine.

After Thames, nagpatuloy sa Oxford si Blake at si Divine naman, nag-aral sa UK. After 10 years, nagkita ulit silang dalawa.

“We met in Boracay because we are both good friends of Ronald Singson (ex-boyfriend ni Lovi Poe). Then ‘yun na. Tuluy-tuloy na,” pagsi-share ni Divine tungkol kay Blake who hails fom Cebu and owns malls ang groceries in Visayas and Mindanao.

Sa pakikipagrelasyon ni Divine kay Blake, she learned that, “Love is easy. Things just feel right.”

Sa ngayon, wala pang detalye ang kanilang kasal after the proposal.

“Haven’t decided pa when. Hahaha! Nagulat din kasi ako kagabi,” reaksyon ni Divine sa pangyayari.

Sa happy event na naganap kay Divine, happy rin kami para sa kanya. Yes, Divine found Mr. Right sa buhay niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING