DITO LANG AKO: Michelle Vito at Jon Lucas, solid ang friendship!

ADVERTISING

DITO LANG AKO: Michelle Vito at Jon Lucas, solid ang friendship!

DITO LANG AKO: Michelle Vito at Jon Lucas, solid ang friendship!
Michelle Vito and Jon Lucas

USAPING mag-bestfriend na rin lang naman sa showbiz, mag-friends pala talaga sina Michelle Vito at Jon Lucas.

ADVERTISING

Nagsimula ang pagiging magkaibigan ng dalawang mga bida sa bagong romance movie na “Dito Lang Ako” noong pareho sila nagsisimula sa showbiz.

Sa acting workshop ng Star Magic noon, they found compatibility sa isa’t isa.

Kasa-kasama ni Michelle ang mom niya sa mga showbiz ganap niya, while si Jon naman ay kasama ang dad niya na dahil palaging magkasama ang dalawa sa mga shows at personal appearances ay naging malapit sa isa’t isa na tumawid na rin sa mga parents nila.

ADVERTISING

Walang personalan ika nga. Never nanligaw si Jon ay Michelle. “Naging close po kami. Pareho kasi kami makulit,” kuwento ng dalaga. Almost six years na sila ni Jon magkaibigan.

Ang paniwala ng dalaga tungkol sa friendship nila ni Jon: “Siguro may mga kaibigan ka talaga na kahit lalaki o babae at magkaiba kayo ng gender, may hanggang friends lang talaga. Like ako, madami akong malalapit na lalaking kaibigan at masasabi ko na hanggang don lang talaga kami,” kuwento ni Michelle.

Sa pelikula nila na ipapalabas come August 8 ay magka-relasyon sila na sa kuwento, si Michelle ang batang Boots Anson-Roa at si Jon naman ang batang Freddie Webb.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING