Dis-oras ng gabi tinatawagan Ruffa, kinukulit ni Shaina?!

ADVERTISING

Dis-oras ng gabi tinatawagan Ruffa, kinukulit ni Shaina?!AYAW NA RAW ni Raymond Gutierrez ng mga negative issue kaya nagkabati na sila ni Heart Evangelista sa backstage ng Party Pilipinas nu’ng nakaraang Linggo.

Dalawang beses pala silang nagkasalubong at walang may pumilit sa kanila, nagbeso silang dalawa, binati ni Heart si Raymond ng Happy Birthday na nag-celebrate ng kaarawan niya sa Party Pilipinas.

ADVERTISING

Ayaw naman nilang pag-usapan pa ito nang husto, basta ang importante okay na raw sila at wala nang sasabihing ‘di maganda sa isa’t isa.

Umiiwas na nga si Heart na magpa-interview dahil ayaw na raw niyang ipagyabang pa ito. Basta malaking bagay raw ang mga taong nakapaligid sa kanila dahil iisa lang naman ang hangad nila na magkabati na sila. May mga common friends kasi sila na ilang beses na silang sinasabihan na magkabati na at magkaayos.

Tingin ko naman diyan, magkaayos din naman sila at pati si Annabelle ay lalambot din ang puso nito kay Heart kapag lumapit ang aktres sa kanya para makipagbati.

ADVERTISING

Pati pala sina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez ay nagkabati na rin nang magkita sila sa Opus nu’ng nakaraang Biyernes ng gabi.

Nandu’n na si Ruffa nang dumating si Kris kasama sina Ai-Ai delas Alas at Diether Ocampo. Kaagad na winelcome sila ni Tim Yap na isa sa may-ari ng restaurant-bar na ‘yun at pinagbati niya ang dalawa.

Kuwento ni Tim, kaagad daw na nagbeso ang dalawa at nagkausap daw sila sandali.

Hindi rin naman daw nagtagal doon sina Kris. Pero ang maganda, okay na sila at kaagad ngang nag-tweet daw si Ruffa na parang nabunutan siya ng tinik dahil finally, kinalimutan na nila ang ano mang hidwaan nila ni Kris.

At least, peace, peace, peace at love, love, love, sabi nga ni Ruffa.

HETO PA, ‘DAY! May nagkuwento rin pala kay Tim na nu’ng nakaraang linggo lang, tumatawag daw si Shaina Magdayao kay Ruffa mga alas-dos na ng madaling-araw.

Nu’ng nasa Tweetbiz kami, tinext ni Tim si Ruffa para tanungin kung ano ‘yung tawag na ‘yun ni Shaina sa kanya.

Nag-text back naman si Ruffa na nagulat kung paano ito nakarating kay Tim. Siyempre hindi naman sinabi ni Tim kung sino ang source niya.

Pero sabi ni Ruffa, hindi raw niya nakuha ang tawag na ‘yun dahil tulog na siya nang ganu’ng oras.

Tinext daw niya si Shaina na hindi niya nasagot ang tawag dahil katabi nitong natutulog ang dalawa niyang anak.

Ang sabi lang daw ni Ruffa, kung ano mang gusto nitong malaman, bakit hindi si John Lloyd ang tawagan nito.

Hindi na raw nasundan ang tawag na ‘yun.

Naku, ha! Nakakaloka naman dahil matagal nang nananahimik ang isyu nina Ruffa at John Lloyd, nabuhay na naman ngayon dahil sa tawag na ‘yun ni Shaina sa kanya.

Ano na naman kaya ang drama ng dalawa?

Dis-oras ng gabi tinatawagan Ruffa, kinukulit ni Shaina?! Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING