Direktor ng “On The Wings of Love” na si Francis Xiavier Pasion, natagpuang patay sa loob ng bahay

Direktor ng "On The Wings of Love" na si Francis Xiavier Pasion, natagpuang patay sa loob ng bahayWala nang buhay nang matagpuan ng kanyang magulang si Direk Francis Xiavier Pasion ng loob ng banyo sa kanyang bahay sa Quezon City, Linggo ng hapon, March 6.

Sa paunang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives, atake sa puso ang sanhi ng pagkamatay ng direktor ng katatapos na lang na hit series ng ABS-CBN na “On The Wings of Love” na pinagbidahan nina James Reid at Nadine Lustre. Graduate sa Ateneo de Manila University ang 38 years old na direktor.

Nagpahayag naman ng kalungkutan ang pamunuan ng ABS-CBN kaugnay ng balita sa pamamagitan ng Twitter: “We are saddened by the news that OTWOL director Francis Pasion was found dead in his house in QC today.”

Tatlong indie films ang nagawa ni Direk Francis: “Jay” (2008), “Sampaguita National Flower” (2010), at “Bwaya” (2014). Idinirek din niya ang mga teleserye sa ABS-CBN tulad “Sabel”, “My Binondo Girl”, “Kahit Konting Pagtingin”, “Princess and I”, “My Little Juan”, “Dyesebel”, at “Nathaniel”.